Pagpopositibo sa COVID-19 ng bidang aktres ng isang drama series, isinikreto

by Jojo Gabinete
Oct 12, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Well-kept secret ang pagkakaroon ng COVID-19 ng bidang aktres sa isang drama series.

Naging mahigpit na sekreto rin ang pagkakaroon ng nakamamatay na virus ng mahigit sa limampung tauhang kasali sa isang TV show na nagwakas na.

Ang itinuturong dahilan para sa dalawang shows ay ang paglabag ng production sa ipinatutupad na health protocols ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Reportedly, hindi rin sinunod ng management ng TV network ang guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) na fifty percent lamang ang bilang ng mga manggagawa sa film, music, and TV production ang maaaring magtrabaho sa ilalim ng General Community Quarantine.

Diumano, madalas na dalawang units—na may 80 tauhan ang bawat isa—ang sangkot sa mga lock-in taping ng malalaking TV networks na inaabot ng madaling-araw.

Kaya bukod sa mabilis magkahawahan ng sakit ang mga tao, nalalabag ang dapat na labindalawang oras lamang na trabaho.

Continue reading below ↓

Sa kaso ng aktres, ang leading man niya sa drama series ang nilagnat kaya inihinto ang taping nila.

Para makatiyak ang production, sumailalim ang lahat sa PCR (Polymerase Chain Reaction) swab test.

Negatibo ang resulta sa COVID-19 test sa actor, pero nagpositibo ang leading lady niya.

Ngunit inilihim ito sa production staff.

Sa ibang banda, mahigit naman sa limampu ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus sa cast at staff ng isang nagpaalam na show.

Pero nanahimik ang lahat para hindi na lumaki ang isyu.

Tiyak kasing malaki ang magiging epekto nito sa TV network na lumalabag sa mga ipinatutupad na guidelines ng IATF.

Samantala, ang mga maliliit na producers ang mahigpit na sumusunod sa mga panuntunan na pinaiiral ng pamahalaan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results