Cue card ni Vicky Morales para sa 24 Oras writer, nahagip sa camera; Mel Tiangco, nagbabalita nang nakayapak

by Jojo Gabinete
Oct 13, 2020
Hindi sinasadyang nahagip sa camera ang hawak na papel ni Vicky Morales (kaliwa) na may nakasulat na "PA-REVIEW NG SCRIPT PLEASE" sa live telecast ng 24 Oras kagabi, October 12. Si Mel Tiangco (kanan) naman ay nakayapak habang nagre-report sa isang bahagi ng Kapuso news program.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

Hindi sinasadyang nakita sa live telecast ng 24 Oras kagabi, October 12, ang papel na hawak ng news anchor na si Vicky Morales na may nakasulat na "PA-REVIEW NG SCRIPT PLEASE."

Hindi napansin ni Vicky na nakaharap sa camera ang papel na kanyang ginagamit pantawag sa atensiyon ng writer ng show sa tuwing gusto niyang basahin muna ang mga balitang ihahatid sa televiewers.

Pero mabilis ang mga mata ng mga manonood na agad na-screenshot ang “cute at lovable” incident na hindi naiiwasan sa mga live shows na gaya ng primetime news program ng GMA-7.

Ang nangyari kagabi ang nagpaalaala sa amin sa isang kuwentong mahirap makalimutan.

Ito ay ang pagkakaroon ni Vicky ng sariling helmet na ginagamit nito sa tuwing sumasakay siya sa Angkas para makaiwas sa traffic jam sa pre-COVID-19 EDSA at hindi mahuli sa GMA Network studio para sa live telecast ng 24 Oras.

Nakaligtas naman sa matalas na paningin ng televiewers ang another cute incident sa 24 Oras kagabi.

Continue reading below ↓

Ito ay ang pagbabalita ni Mel Tiangco habang nakayapak o walang suot na sapatos. Hindi ito nakikita sa telebisyon dahil tinitiyak ng direktor na hindi full shot ang camera angle.

Sina Mel at Vicky ang dalawa sa mga respetadong female broadcast journalists sa bansa.

Mataas ang paggalang ng publiko kina Mel at Vicky dahil sa mabuti o wholesome image ng mga ito na nararapat tularan ng mga kasamahan nila sa industriya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi sinasadyang nahagip sa camera ang hawak na papel ni Vicky Morales (kaliwa) na may nakasulat na "PA-REVIEW NG SCRIPT PLEASE" sa live telecast ng 24 Oras kagabi, October 12. Si Mel Tiangco (kanan) naman ay nakayapak habang nagre-report sa isang bahagi ng Kapuso news program.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results