Comedian-impersonator Wally Waley, malaki ang pasasalamat sa idol niyang si Wally Bayola

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2020
WHO IS THE REAL WALLY: Comedian-impersonator Wally Waley (left) dreams of working again with his idol Wally Bayola (right). He says, "Magpapasalamat ako kay Idol Wally dahil kung hindi sa kanya, hindi ako mapapansin. Kung wala siya, wala rin ako dahil ginaya ko lang siya."

Mapapanood sa TV5 simula sa October 18 ang Sunday Kada, ang gag show na nilikha at mula sa direksiyon ni Edgar 'Bobot" Mortiz.

Ang '70s matrinee idol na si Edgar ang responsible sa tagumpay ng Banana Sundae, ang gag show ng ABS-CBN na nagpaalam sa telebisyon matapos hindi binigyan ng Kamara ng franchise ang Kapamilya Network.

Dahil si Edgar ang creator ng Sunday Kada, mga mainstay ng Banana Sundae ang ilan sa mga bida ng Sunday Kada, na produksiyon ng Brightlight Productions ni former Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Ang spoof kay Jessica Soho at sa paranormal investigator na si Ed Caluag ang ihahandog ng Sunday Kada sa pilot telecast nito.

Ang comedian at impersonator ni Wally Bayola na si Wally Waley ang gaganap na Jessyca Soco, ang host ng show na "Kanguso Mo Jessyca Soco."

Samantalang si Wacky Kiray ang magbibigay-buhay sa katauhan ni Ed.


Continue reading below ↓

Ang makabilang siya sa cast ng Sunday Kada ang itinuturing ni Wally Waley na pinakamalaking biyayang natanggap niya sa panahon ng coronavirus pandemic dahil nagkaroon siya ng regular na trabaho matapos dumanas ng mga pagsubok.

Paul Sy ang tunay na pangalan ng 37-year-old na si Wally Waley.

Nakuha ni Paul ang kanyang screen name na Wally Walley dahil sa impersonation niya sa kapwa comedian, ang Eat Bulaga! co-host na si Wally Bayola, nang sumali siya noong 2013 sa "Kalokalike" contest ng It’s Showtime.

Nagsimula ang acting career ni Wally bilang stage actor sa Gantimpala Theater Foundation.

Nagtrabaho rin siya bilang puppeteer, kabilang na ang karaketer na Imaw sa 2005 Encantadia ng GMA-7.

Pero natupad ang mga pangarap ni Wally na maging artista dahil sa kanyang exposure sa It’s Showtime.

"Nagsunod-sunod ang mga project ko dahil sa It’s Showtime, at nang makilala ko ang manager ko na si Sir Vic Naynes ng AdStellar Talent Production.

Continue reading below ↓

"Mula noon, nagkaroon na ng direksiyon ang career ko. Dati kasi, wala talaga," sabi ni Wally.

HOME SWEETIE HOME

Hindi malilimutan ni Wally ang matagal na exposure niya sa Home Sweetie Home, ang defunct sitcom ng ABS-CBN na si Edgar din ang direktor.

"Hindi ko talaga makakalimutan ang Home Sweetie Home dahil ito ang pinakamatagal kong show at dito ko nakilala ang cast, pati na si Direk Bobot.

"Hindi ko makakalimutan ang bawat episode na naging malaking parte ng buhay ko.

"For the first time, naranasan kong makarating sa ibang bansa nang mag-taping kami ng Home Sweetie Home sa Hong Kong, five-star talaga.

"Ang kagandahan sa akin, kahit nawala ako sa Home Sweetie Home, hindi ako nalaos dahil hindi naman talaga ako sumikat," walang pretensyong pahayag ni Wally kasunod ang malakas na halakhak.

"But kidding aside, wala naman nagbago talaga dahil ganoon pa rin ako. Medyo nagkaroon lang ng konting pera at nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw."

Continue reading below ↓

WALLY BAYOLA

Nabigyan si Wally na oportunidad na makasama si Wally Bayola sa isang gag show ng QTV 11, ang H30, Haha Over (2007), na pinagbidahan din nina Gladys Guevarra at Jose Manalo. Pero hindi pa siya impersonator noon ng komedyante.

"One year and seven months akong naging mainstay ng H30 at dito ko unang na-meet si Idol Wally.

"Gusto ko uling makatrabaho siya kung mabibigyan ako ng pagkakataon.

"Magpapasalamat ako kay Idol Wally dahil kung hindi sa kanya, hindi ako mapapansin. Kung wala siya, wala rin ako, dahil ginaya ko lang siya.

"Talent lang ako dati, pero mula nang gayahin ko siya, nagkaroon ako ng konting marka sa industriya.

"Hindi ko pa siya napasasalamatan nang personal simula nang lumabas ako sa Home Sweetie Home."

Tatlong beses pumasok sa isip ni Wally na magpalit ng screen name, pero hindi ito nangyari dahil mas malakas ang recall sa mga tao ng Wally Waley.

Continue reading below ↓

Aminado si Wally na kahit ginagaya niya ang tunay na Wally, mahirap tapatan ang original at hindi siya talaga uubra.

SUNDAY KADA

Itinuturing ni Wally na pinakamalaking grasya sa kanya ang Sunday Kada, dahil nagkaroon siya ng mga problema bago pa man nagkaroon ng coronavirus pandemic.

Saad niya, "Wala pa ang pandemya, may malaking dagok na dumating sa akin. Nagkaroon ako ng personal na problema sa pamilya na hindi maiiwasan.

"Nagkaroon din ako ng financial problems. Naging biktima ako ng investment scam at nawalan ako ng mga show.

"Masakit dahil lahat ng mga naipon ko, natangay. Lessons in life na lang ang na-earn ko.

"Mabuti na lang, dumating ang Sunday Kada.".

Ipinagdarasal ni Wally na magtagal siya sa entertainment industry at magpatuloy ang pagtangkilik sa kanya ng mga naniniwala sa kakayahan niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
WHO IS THE REAL WALLY: Comedian-impersonator Wally Waley (left) dreams of working again with his idol Wally Bayola (right). He says, "Magpapasalamat ako kay Idol Wally dahil kung hindi sa kanya, hindi ako mapapansin. Kung wala siya, wala rin ako dahil ginaya ko lang siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results