Julia Barretto, malaki ang posibilidad na mapanood sa TV5

by Jojo Gabinete
Oct 14, 2020
Ngayong nasa Viva Artists Agency na si Julia Barretto, hindi malayong mapanood siya sa TV5 dahil limang programa ng Viva Entertainment ang nakatakdang simulan ngayong huling quarter ng 2020 sa Kapatid network.
PHOTO/S: Instagram

Malaki ang posibilidad na mapanood si Julia Barretto sa mga programa ng TV5 dahil sa partnership ng Kapatid Network at ng Viva Entertainment.

Pumirma si Julia noong nakaraang buwan ng exclusive contract sa Viva Artists Agency, ang talent management agency ng Viva Entertainment.

May limang programa ang Viva sa TV5 sa last quarter ng 2020: Masked Singer Pilipinas, Bella Bandida, Ghost Adventures, Kagat Ng Dilim, at Onstage.

May dalawang programa naman sa TV5 si Johnny Manahan, founder at chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN.

Ito ay ang noontime show na Lunch Out Loud at ang weekly musical-variety show na Sunday Noontime Live, na parehong ipoprodyus ng Brightlight Productions ni dating Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Nang opisyal na ipakilala si Julia bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency, nagsalita siyang suportado ni Manahan o Mr. M ang kanyang desisyong lumipat sa ibang talent management agency, kaya susuportahan din niya ang mga project ng mentor niya.

Continue reading below ↓

"Si Mr. M, tatay ko ‘yan hanggang sa huli. So, kapag kakailanganin po niya ng suporta ko, anytime, any day, I will be there for him," ang pangakong binitiwan ni Julia.

Kaya hindi sorpresa kung mapanood siya sa mga susunod na episodes ng mga show ni Mr. M sa Kapatid Network.

Ang paglipat ni Julia sa VAA ang dahilan kaya pinalitan siya ni Heaven Peralejo bilang bida ng Cara Y Cruz, na binigyan ng ABS-CBN ng bagong pamagat na Bagong Umaga.

Hindi lamang si Julia ang nawala sa original cast ng Cara Y Cruz dahil nag-back out naman ang kanyang fellow VAA artist na si Marco Gumabao.

Ang required lock-in taping ang rason kaya napilitan si Marco na talikuran ang project dahil maaapektuhan ang ibang mga commitment niya.

Si Kiko Estrada ang diumano’y ipinalit sa karakter na dapat gagampanan ni Marco sa Bagong Umaga.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong nasa Viva Artists Agency na si Julia Barretto, hindi malayong mapanood siya sa TV5 dahil limang programa ng Viva Entertainment ang nakatakdang simulan ngayong huling quarter ng 2020 sa Kapatid network.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results