Raffy Tulfo, mariing itinangging P2 billion ang kinikita niya sa YouTube kada taon

by Jojo Gabinete
Oct 15, 2020
Raffy Tulfo: "Ang layo po sa katotohanan. Hindi po ako bilyonaryo, at never po akong kumita ng bilyon ever since sinimulan ko po yung YouTube channel ko."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Ang broadcaster na si Raffy Tulfo ang most subscribed Filipino YouTubers, ayon ito sa data ng www.statista.com at hypeauditor.com.

Ang kanyang Raffy Tulfo In Action YouTube channel ay kasalukuyang may 15.6 million subscribers.

Noong October 9, mariing pinabulaanan ni Tulfo ang balitang dalawang bilyong piso sa loob ng isang taon ang kinikita niya mula sa YouTube dahil sa kanyang 15.6 million subscribers.

Ayon kay Tulfo, halos malaglag siya sa upuan, mabilaukan, at mapaso ang dila niya ng kape na iniinom nang makarating sa kanya ang balita.

"Ang layo po sa katotohanan. Hindi po ako bilyonaryo, at never po akong kumita ng bilyon ever since sinimulan ko po yung YouTube channel ko,” paglilinaw ni Tulfo.

Iginiit ni Tulfo na hindi aabot sa isang bilyon ang mga kinikita niya, kahit pagsama-samahin ang suweldo niya bilang anchor ng TV5 at mga bayad sa kanyang mga product endorsement.

"Baka mamaya, yung BIR. Mas mayayaman pa po sa akin yung ibang YouTuber," sabi ni Tulfo.

Continue reading below ↓

Ibinigay na halimbawa ni Tulfo ang mga Filipino celebrity na may mga house tour sa kanilang mga YouTube channel dahil patok sa viewers ang bahay ng mga artista.

Dalawang taon na ang YouTube channel ni Tulfo.

PINOY CELEBS ON YOUTUBE

Kung itinanggi ni Raffy ang diumano’y bilyong income niya sa YouTube, ipinagmalaki naman ng comedian na si Brenda Mage na kumikita siya ng PHP100,000 hanggang PHP300,000 sa kanyang YouTube channel na may 480,000 subscribers.

Tahimik naman ang ibang mga artista tungkol sa tunay na halaga ng mga kinikita nila bilang YouTubers, dahil sa takot na mapagtuunan sila ng pansin ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nang maging popular at maingay ang pagtangkilik noon ng mga Pilipino sa Uber at Grab, pumasok sa eksena ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na dahilan para mawala ang operasyon ng Uber sa Pilipinas.

Kaya hindi malayong mangyari kapag napatunayan ng BIR na hindi sapat ang buwis na ibinabayad ng mga artista at ng mga ordinary citizen na daang-daang libong piso ang pakinabang mula sa YouTube.

Continue reading below ↓

May pandemic man o wala, patuloy ang pamahalaan sa paghahanap ng paraan upang madagdagan ang kaban ng bayan.

Ang pagbubukas ng mga YouTube channel ang pinagkaabalahan ng karamihan sa mga Filipino celebrities nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine, noong March 15, 2020, para magkaroon sila ng extra source of income.

Alam ng Pinoy stars na malaki ang kinikita sa YouTube ng kanilang mga kapwa artista na active sa vlogging dahil sa advertisements kaya kanya-kanya sila ng mga drama.

Ipinakikita ng mga showbiz personality sa mga YouTube channel ang kanilang mga pinagkakaabalahan habang lockdown sa Metro Manila—may totoo at may scripted—dahil sa pagnanais magkaroon ng libo-libong subscribers.

Kabilang dito ang isang aktor na halos “i-prostitute” sa social media ang relasyon nila ng kanyang girlfriend.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo: "Ang layo po sa katotohanan. Hindi po ako bilyonaryo, at never po akong kumita ng bilyon ever since sinimulan ko po yung YouTube channel ko."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results