Tony Labrusca, binalikan ang Immigration incident na nagpabago sa kanyang pagkatao

by Jojo Gabinete
Oct 15, 2020
Tony Labrusca: "Sa lahat ng mga tao na hanggang ngayon, dyina-judge pa rin ako, wala na po akong kontrol doon. Basta ako, masaya ako and grateful ako na may bagong umaga."
PHOTO/S: Instagram

Ang hindi nawalang tiwala ng ABS-CBN sa kanyang kakayahan ang itinuturing ni Tony Labrusca na bagong umaga sa buhay niya.

Mismong si Tony ang nagsabing hindi siya magbibigay ng showbiz answer nang tanungin siya sa virtual press conference ng Bagong Umaga ngayong hapon, October 15, tungkol sa bagong umaga sa kanyang buhay.

"Hindi na lang ako magbibigay ng showbiz na answer," sabi ni Tony.

"Two years ago, ang laki ng naging isyu sa akin. So, ang feeling ko, ang daming tao na namba-bash sa akin, kahit hindi naman ako kilala.

"'Tapos maraming tao na gusto na akong magpakamatay, or gusto na akong i-deport kahit hindi naman nila alam yung totoong kuwento.

"And feeling ko, marami rin tao sa ABS-CBN na wala nang tiwala sa akin."

Ang tinutukoy ni Tony ay ang pagiging headline niya noong January 2019 dahil sa kanyang “meltdown” sa Ninoy Aquino International Airport, matapos isang buwan lamang na pananatili sa Pilipinas ang ibinigay sa kanya ng isang Immigration officer bilang American passport holder siya.

Continue reading below ↓

Naranasan ni Tony ang matitinding batikos at pagkondena ng netizens sa inasal niya, na nagkaroon ng hindi magandang epekto sa kanyang pagkatao.

"Ang dami kong naging bad habits dahil sa self-pity," pagtatapat ni Tony.

"'Tapos naisip ko na parang dalawa lang naman yung choice ko.

"I can prove them right na hindi ko nga deserve lahat ng mga project ko, lahat ng blessings ko, or gagalingan ko na lang.

"So ayun, happy ako na ngayon, sinu-support pa rin ako ng ABS-CBN. Binibigyan ako ng magandang projects."

Mensahe pa niya, "And sa lahat ng mga tao na hanggang ngayon, dyina-judge pa rin ako, wala na po akong kontrol doon.

"Basta ako, masaya ako and grateful ako na may bagong umaga."

Ang Bagong Umaga ang afternoon drama series ng ABS-CBN na mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, at sa ibang platforms ng ABS-CBN simula sa October 26.

Kasama ni Tony sa cast ng Bagong Umaga, na may dating pamagat na Cara Y Cruz, sina Heaven Peralejo, Barbie Imperial, Michelle Vito, Yves Flores, at Kiko Estrada.

Continue reading below ↓

Sina Carlo Po Artillaga at Paco Sta. Maria ang mga direktor ng Bagong Umaga, na produksyon ng RGE Drama Unit ni Rizza Gonzales-Ebriega.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tony Labrusca: "Sa lahat ng mga tao na hanggang ngayon, dyina-judge pa rin ako, wala na po akong kontrol doon. Basta ako, masaya ako and grateful ako na may bagong umaga."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results