Bakit nag-appear si Macoy Dubs sa Facebook feed ni Cavite Governor Jonvic Remulla?

by Jojo Gabinete
Oct 17, 2020
Noong October 15, 2020, marami ang nagulat sa biglang paglitaw ni Macoy Dubs sa Facebook feed ni Cavite Governor Jonvic Remulla Jr.
PHOTO/S: Screen Grab from https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr

Si Mark Averilla, a.k.a. Macoy Dubs, nga ba ang ghost writer ni Cavite Governor Jonvic Remulla at administrator ng official Facebook account nito?

Lumutang ang mga pagdududang may kinalaman sa Facebook page ni Remulla ang social media influencer turned television host nang biglang lumitaw ang mukha ni Macoy sa Facebook Live ni Remulla noong Huwebes, October 15, 2020.

jonvic remulla

Continue reading below ↓

Agad na naglabas si Macoy ng pahayag sa kanyang Twitter account tungkol sa insidente, pero parang hindi satisfied ang netizens, partikular na ang mga supporters ni President Rodrigo Duterte, sa paliwanag niya.

"Mga bessy if nakita niyo po ako sa FB live ni Jonvic Remulla, please, please understand na nagkaroon lang ng error. It was supposed to be a run-through for a content creators event this Sunday.

"We’re fixing and figuring out papaano nangyari yun. ZOOM must be really secured,” ang sabi ni Macoy.

Bilang suporta kay Macoy, naglabas ng official statement ang events, PR, and music marketing company na Gabi Na Naman Production, at pinatotohanang “technical glitch” ang nangyaring aberya.

"Gabi Na Naman Productions is extending its sincerest apologies to our event host, Mark Averilla also known sa Macoy Dubs, for the technical glitch that happened this afternoon, around 4:00 pm (October 15), during an online run for a client’s virtual event on Sunday, October 18.

Continue reading below ↓

"Our streaming partner, CSG Photography, encountered an error during the streaming of Macoy Dub’s rehearsal.

"In effect, Macoy Dubs appeared erroneously on Cavite Governor Jonvic Remulla’s Facebook account, one of CSG’s clients.

"As the managing group of the online event, our team takes responsibility of the system error that occurred today.

"Rest assured that moving forward, we will be more cautious in handling these matters.”

Matagal nang pinaghihinalaang may administrator ang Facebook page ni Remulla at may ghost writer ito dahil sa kanyang mga witty posts at responses sa mga katanungan ng followers niya.

Continue reading below ↓

Malayung-malayo ang mga Facebook post and replies ni Remulla sa personalidad niyang seryoso, na siyang nakikita sa kanyang television and radio interviews.

Napansin ding very millennial ang posts ni Remulla at madalas ang maling ispeling ng Pilipino words na ginagamit rito samantalang taal na Tagalog ang gobernador.

Pinuna naman ng mga supporters ni Duterte ang mga post ni Remulla na hindi pabor sa gobyerno, at ibinibintang nila ito kay Macoy, na kilala bilang taga-suporta ni Vice-President Leni Robredo.

Continue reading below ↓

Meanwhile, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Remulla tungkol sa naganap na "technical glitch" sa kanyang Facebook page.

At press time, walang bagong post si Remulla mula nang mangyari noong Huwebes ang insidenteng kinasasangkutan ni Macoy.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong October 15, 2020, marami ang nagulat sa biglang paglitaw ni Macoy Dubs sa Facebook feed ni Cavite Governor Jonvic Remulla Jr.
PHOTO/S: Screen Grab from https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results