Director Roman Perez on Pinoy version of South Korean film The Housemaid: "Malakas ang cast ko"

by Jojo Gabinete
6 days ago
Excited si Direk Roman Perez Jr. na i-shoot ang "pinakamalaki" niyang pelikula, ang Pinoy version ng South Korean film The Housemaid.
PHOTO/S: Movie Poster; PR

Magaganap ngayong hapon, October 18, ang story conference ng Viva Films para sa Philippine adaptation ng The Housemaid, ang 2010 South Korean melodramatic erotic thriller film.

Ang mga bida sa The Housemaid ay sina Louise Delos Reyes, Kylie Verzosa, Albert Martinez, Alma Moreno, at Jaclyn Jose.

Si Roman Perez Jr. ang direktor, at mag-uumpisa ang lock-in shoot ng kanyang project sa October 25, 2020.

Napansin ang husay ni Perez bilang direktor sa Adan, ang erotic sexy movie nina Cindy Miranda at Rhen Escaño na ipinalabas sa mga sinehan noong November 2019, kaya hindi nakapagtataka na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films ang direksiyon ng The Housemaid.

"Grabe, ito ang pinakamalaking film ko,” ang sabi ni Perez nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Linggo ng umaga.

"Iconic film sa South Korea ang The Housemaid dahil parang ito ang influence ni Bong Joon-ho sa Parasite."

Si Bong Joon-ho ang best director sa 92nd Academy Awards noong February 9, 2020, at ang pelikula niyang Parasite ang best picture.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ni Perez, "Ako ang nag-adapt ng Filipino context para maging Pinoy story ang version natin ng The Housemaid. Si Eric Ramos naman ang nag-translate sa Pilipino."

Confident si Perez sa mga artista niya sa pelikula. Sa original film, ang nag-iisang Cannes best actress winner ng South Korea na si Jeon Do-yeon ang bida.

"Malakas ang cast ko," pakli ng direktor.

So far, isa sa naging challenges sa production ay may kinalaman sa logistics. Kukunan ang mga eksena sa Tagaytay, Bulacan, at Batangas.

Dugtong ni Perez, "Sobrang hirap ang preparations na inabot ng sampung buwan dahil ayaw magpa-shoot ng mga may-ari ng mansion.

"At dahil pandemic, ang daming health and safety protocols na sinusunod namin ( LGU at IATF-EID)."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excited si Direk Roman Perez Jr. na i-shoot ang "pinakamalaki" niyang pelikula, ang Pinoy version ng South Korean film The Housemaid.
PHOTO/S: Movie Poster; PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results