Opening numbers ng ASAP, AOS sa araw ng SNL launch sa TV5

by Jojo Gabinete
6 days ago
Sa ASAP Natin 'To, "We Are Family" ang opening number, na pinangunahan nina Regine Velasquez (L) at Gary Valenciano (R, left photo). Sa AOS, sinamahan ni Alden Richards ang mga Kapuso stars na nag-celebrate ng birthday.
PHOTO/S: Screen Grab from ASAP AOS

Nagsanib-puwersa ang lahat ng artista ng mga programa ng ABS-CBN para ipakita ang suporta sa ASAP Natin ‘To (ASAP).

Unang Linggo ngayon sa telebisyon ng Sunday Noontime Live (SNL) ng Brightlight Productions sa TV5.

Bukod sa dating Kapamilya stars ang main hosts ng SNL, dati ring direktor ng ASAP ang ngayon ay main man sa likod ng live production ng SNL.

Tumagal ng mahigit sa sampung minuto ang opening number ng ASAP cast, at highlight nito ang pagkanta ng lahat ng Kapamilya stars ng "We Are Family," ang 1979 hit song ng Sister Sledge.

Continue reading below ↓

Nakikanta at nakisayaw sina Judy Ann Santos, Angel Locsin (kasama ang fiancé na si Neil Arce), ang mga hosts ng It’s Showtime at Magandang Buhay, ang cast ng FPJ's Ang Probinsyano, Walang Hanggang Paalam, Ang Sa Iyo Ay Akin, at ang upcoming drama series na Bagong Umaga.

May hatid na saya at malakas ang impact ng "We Are Family" production number dahil napanood sa pambihirang pagkakataon na kumakanta at sumasayaw sina Lorna Tolentino, Coco Martin, Richard Gutierrez, Judy Ann Santos, Vice Ganda, at ang lahat ng mga artista ng ABS-CBN na piniling manatili sa Kapamilya network, matapos pagkaitan ito ng franchise ng Kamara noong July 10, 2020.

Ang "We Are Family" number sa ASAP ang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga Kapamilya stars habang nagaganap sa TV5 ang live telecast ng SNL, na tinatampukan ng ex-ABS-CBN stars na sina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Donny Pangilinan.

Co-host sa SNL si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na regular na napapanood noon sa ASAP bago nagpasya si former ABS-CBN at Star Magic big boss Johnny Manahan na tapatan ang dating Sunday show niya sa ABS-CBN at ang It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Ang sikapin pa ni Catriona na magkaroon ng appeal sa masa ang unsolicited advice sa kanya dahil para sa pihikang panlasa ng masang Pinoy, masyadong mataas ang dating niya bilang host ng SNL.

Samantala, may malaking celebration naman sa All-Out Sundays. Tungkol sa kaarawan ng mga hosts ng All-Out Sundays ang opening number ng Sunday noontime show ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Isa-isang ipinakilala ang mga hosts, pati na ang kanilang mga "title," kaya nalaman ng televiewers na Sultry Diva ang bansag kay Rita Daniela.

New look naman si Christian Bautista sa AOS dahil maiksi na ang kanyang dating mahabang buhok.

Nakinig si Christian sa mga suggestions ng netizens at nagpagupit na, nang mabasa sa social media ang bothered comments ng The Clash viewers tungkol sa kanyang buhok.

Continue reading below ↓

Ang AOS at ang The Clash ang mga programa ni Christian sa Kapuso network.

Mula nang bumalik ang The Clash sa telebisyon noong October 3, marami ang nanibago kay Christian. Naging mas mabait kasi siya sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa performances ng mga contestants. Ang rason ay may kinalaman sa mga epekto sa kanya ng coronavirus pandemic.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ASAP Natin 'To, "We Are Family" ang opening number, na pinangunahan nina Regine Velasquez (L) at Gary Valenciano (R, left photo). Sa AOS, sinamahan ni Alden Richards ang mga Kapuso stars na nag-celebrate ng birthday.
PHOTO/S: Screen Grab from ASAP AOS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results