Billy Crawford, nagbigay-pugay sa ABS-CBN sa pilot episode ng Lunch Out Loud sa TV5

by Jojo Gabinete
Oct 19, 2020
Billy Crawford on co-hosting Lunch Out Loud on TV5: "May bagong tahanan na muling tumanggap sa amin para muli kaming magpapasaya at magbigay ng pag-asa."
PHOTO/S: Lunch Out Loud Facebook

Ngayong Lunes, October 19, ang pilot telecast ng Lunch Out Loud, ang bagong noontime show ng Brighlight Productions na umeere sa TV5.

Bilang nangungunang mainstay ng show, may mahigit sa apat na minuto na monologue si Billy Crawford bago nag-umpisa ang kasiyahan.

"Gusto ko po na magpakilala sa inyo. Ako po si Billy Crawford," ang visibly emotional na introduction ni Billy sa sarili.

"I’ve been in the business for 34 years now itong December. I started in GMA sa That’s Entertainment bilang child actor-star.

"Growing up, I was very blessed na nabigyan ako ng magandang opportunity to take on a musical career sa labas ng Pilipinas," ani Billy.

Si Billy ay certified Kapatid artist na dahil sa dalawang programa niya sa TV5—ang Lunch Out Loud at reality singing competition na Masked Singer Pilipinas.

GRATEFUL TO ABS-CBN

Pero hindi niya nakaligtaang pasalamatan ang kanyang former home network ng 12 taon, ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Lahad ni Billy: "Napakarami ko pong natutunan doon bilang artist.

"After how many years, sa aking pagbabalik, buong puso akong tinanggap ng aking mga bagong Kapamilya, ang ABS-CBN, na tumayong parang pangalawang magulang ko na.

"Sa ABS-CBN po ako nag-grow bilang host."

Special mention din ang mga dating katrabaho niya sa It's Showtime, kung saan naging co-host siya ng pitong taon.

Madamdaming patuloy ni Billy: "Sa ABS-CBN at sa Showtime po ako nahasa na magpasaya ng mga tao.

"At sa ABS-CBN ko rin po nakilala, napamahal ang mga longtime friends ko—Bestie Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Kuya Kim Atienza, Eric 'Eruption' Tai...

"At higit sa lahat, sa ABS-CBN ko po nakilala ang aking mahal na asawa.

"Kaya buong-puso ko pong gustong pasalamatan ang aking Kapamilya sa ABS-CBN sa pagtanggap, sa mahahalagang naituro po ninyo sa akin bilang host at bilang tao.

Continue reading below ↓

"Kaya I am here to humbly thank you mga Kapamilya for all the learnings and experiences you have given me."

"dark TIMES"

Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Billy na blessing ang pagkakataong mabigyan ng bagong show sa gitna ng pandemya.

Dire-diretsong lahad pa niya: "Kung napapansin ninyo, e, medyo madilim ano po? Alam nating lahat na we’re facing dark times ngayon sa panahon ng pandemya.

"I am here to speak on behalf of my co-hosts, ang mga kasama ko po ngayon.

"Tulad niyo po mga kababayan, kami rin po mga artista ay nakaranas ng kadiliman. Talagang walang pinalagpas itong pandemyang ito para sa ating lahat.

"Ika nga, lahat po tayo tinamaan. Tulad po ninyo, aming mga mahal na manonood, kami rin po ay nakaranas na mawalan ng trabaho.

"May iba sa amin nagkasakit. May iba nawawala din ng pag-asa from time to time.

"We are all facing dark times."

NEW HOME ON TV5

Sa panahong walang kasiguraduhan ang trabaho, saka raw nabuo ang Lunch Out Loud kung saan kasama niya sina Alex Gonzaga, K Brosas, KC Montero, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, at Macoy Dubs.

Continue reading below ↓

Sabi ni Billy, "Pero as expected, the grace of God will always deliver even in dark times, kaya po may nagbukas ng pinto para sa amin para muli kaming makabangon.

"May bagong tahanan na muling tumanggap sa amin para muli kaming magpapasaya at magbigay ng pag-asa."

Pambansang Katropa ang tawag ni Billy sa grupo nila sa Lunch Out Loud—na binanggit niya nang magpasalamat siya sa mga bumubuo ng kanilang programa at sa publiko na tumatangkilik sa bagong show.

"Nagpapasalamat po kami nang lubus-lubos sa lahat ng bumubuo ng Brighlight Productions, sa TV5, sa mga bago naming Kapatid.

"Maraming-maraming salamat po. You were God-given po para sa aming lahat.

"At higit sa lahat, on behalf of all na nakasama ko dito—from the utility men, technical crew, production, and creative people, our directors, lahat po—salamat po sa inyong lahat dahil kayo ang inspirasyon namin lahat para muling mabigyan ng saya at liwanag."

Continue reading below ↓

Post script: Ang monologue ni Billy ay kakatwang estilo noon ni German Moreno, o mas kilala sa tawag na Kuya Germs.

Sanay ang mga manonood sa mga makabuluhan na pananalita ng pumanaw na television host sa mga programa nito noong nabubuhay pa ito.

Si Kuya Germs ang mentor ni Billy Crawford nang magsimula ang showbiz career ng singer/actor/host sa That’s Entertainment noong 1986. Kaya itinuturing ni Billy na tatay-tatayan ang namayapang star builder at television host.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on co-hosting Lunch Out Loud on TV5: "May bagong tahanan na muling tumanggap sa amin para muli kaming magpapasaya at magbigay ng pag-asa."
PHOTO/S: Lunch Out Loud Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results