Gazini Ganados, magsasalin ng korona sa Miss Universe Philippines 2020; sino ang mga hurado?

by Jojo Gabinete
Oct 19, 2020
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados: "My journey is about to come full circle, and being able to pass on the legacy personally is the final chapter I will forever cherish."
PHOTO/S: @gazinii Instagram

Ang reigning Miss Universe Philippines na si Gazini Ganados ang magsasalin ng korona sa kanyang successor sa grand finale ng 2020 Miss Universe Philippines.

Gaganapin ito sa October 25 sa Cordillera Convention Hall ng Baguio Country Club, Baguio City.

Pumayag si Bb. Pilipinas Charities Inc. founder Stella Marquez de Araneta na dumalo si Gazini sa coronation night ng 2020 Miss Universe Philippines dahil sa formal letter of request na ipinadala sa kanya ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO).

Ang BPCI ang may hawak ng franchise ng Miss Universe sa loob ng limampu’t-limang taon bago ito ipinagkaloob ng Miss Universe Organization sa MUPO noong December 2019.

Si Bb.Pilipinas-Universe 2011 Shamcey Supsup ang national director ng MUPO.

Nagpahayag ng galak si Gazini nang malaman nito na pumayag ang BPCI na maging bahagi siya ng 1st Miss Universe Philippines.

Sa interbyu kay Gazini ni Mario Dumaual ng ABS-CBN, nagpasalamat kay Araneta ang huling Miss Universe Philippines winner ng BPCI dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

Continue reading below ↓

"I thank the Binibining Pilipinas Charities for allowing me to relinquish the Miss Universe Philippines crown to my successor.

"It has been an experience of a lifetime.

"My journey is about to come full circle, and being able to pass on the legacy personally is the final chapter I will forever cherish," ani Gazini.

Apatnapu’t walong (48) kababaihan ang opisyal na kandidata sa 2020 Miss Universe Philippines.

GRANDDAUGHTER OF MARITA ZOBEL

Kabilang sa mga strong contender ang 23-year-old Parañaque representative na si Maria Ysabella Ysmael.

May showbiz connection si Ysabella dahil apo siya ng veteran actress na si Marita Zobel.

Marita rin ang pangalan ng nanay ni Ysabella at tatay niya si Charlie Ysmael, ang DJ at former voice over announcer ng SOP, ang defunct Sunday noontime show ng GMA-7.


Continue reading below ↓

Pamangkin si Ysabella ni 1973 Miss Universe Margarita Moran kaya may resemblance sila sa isa’t-isa. First cousin ng ama ni Ysabella si Moran.

Ang The CAMP ang mentor ni Ysabella pati na rin ang Aklan delegate na si Christelle Belo.

Hindi pa inilalabas ng MUPO ang listahan ng mga hurado sa 2020 Miss Universe Philippines, pero matunog ang balita na kasama sina Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon at Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida.

Matagal nang U.S.-based si Janine pero kasalukuyang naririto sa Pilipinas.


Continue reading below ↓

BOOST TOURISM IN BENGUET

Incidentally, nagpapasalamat si Party-List Representative at Legislative Caretaker of Benguet Eric Yap dahil ang kanyang nasasakupang lugar ang napili na pagdausan ng 2020 Miss Universe Philippines.

Makakaganda raw ito para sa tourism industry.

"Kaya nga po nag-host tayo ng Miss Universe Philippines dahil malaki ang maitutulong nito.

"So ang ipinu-prove namin dito is habang naka-close pa ang tourism namin (na opisyal na magbubukas sa October 22), ipino-promote namin itong aming province.

"Once na nag-open na ang tourism ng Benguet, dadayuhin na tayo ng ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang lugar ng Pilipinas.

"Ang Miss Universe Philippines ang parang stepping stone namin sa tourism.

"Dahil kung makikita ninyo ang Benguet, kilala siya na parang nasa loob ng Baguio, which is, in fact, mali.

"Ang Benguet ay isang malaking-malaking province, then ang isang maliit na city na nasa loob ng Benguet yung Baguio.

"Dahil dito sa Miss Universe Philippines na mas marami ang manonood for sure, malalaman ng mga tao kung gaano kaganda ang Benguet na pinanggagalingan ng beads na ibinebenta sa Baguio.

Continue reading below ↓

"Yung strawberries na ibinebenta sa Baguio, from Benguet din. Lahat ng products na nabibili sa Baguio, galing sa Benguet.

"Marami pa kaming tourism spots. Meron kaming Mt. Pulag, meron kaming Atok, yung tinatawag na Sakura, para kang nasa Japan.

"Meron kaming Pakada, meron kaming crying mountain... so marami, kaya lang hindi siya napo-promote.

"But ngayong ako ang congressman ng Benguet, I will promote and I will do my best para hindi lang ito magtatapos sa Miss Universe Philippines. Ito pa lang ang simula."


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados: "My journey is about to come full circle, and being able to pass on the legacy personally is the final chapter I will forever cherish."
PHOTO/S: @gazinii Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results