Shamcey Supsup, siniguro na gwardyado ang Miss Universe Philippines crown; excited sa partisipasyon ni Gazini Ganados

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2020
Shamcey Supsup (left), nagpasalamat sa BPCI na pinayagan si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados (right) na makibahagi sa Miss Universe Philippines 2019 coronation night: "We’ve been praying for Gazini to really crown the Miss Universe Philippines winner..."
PHOTO/S: @supsupshamcey / @jonasempire.ph / @gazinii Instagram

Kinumpirma ni Miss Universe Philippines Organization National Director Shamcey Supsup-Lee na nagpadala siya ng formal letter kay Mrs. Stella Araneta ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI).

Ito ay para imbitahan si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados na koronahan ang Miss Universe Philippines 2020 titlist, sa grand finale na magaganap sa October 25, sa Cordillera Convention Hall ng Baguio Country Club, Baguio City.

Kinailangang ipaalam ni Shamcey si Gazini dahil magkahiwalay na organisasyon ang MUPO at BPCI.

Ang BPCI ang may hawak ng franchise ng Miss Universe Philippines sa loob ng limampu’t-limang taon bago ito ipinagkaloob ng Miss Universe Organization sa MUPO noong December 2019.

Tuwang-tuwa ang former beauty queen sa positive response na natanggap niya mula kay Stella, na siyang founder ng BPCI.

Pahayag ni Shamcey: "I’m so grateful to Madam Stella Marquez Araneta of BPCI. We’ve been praying for Gazini to really crown the Miss Universe Philippines winner, and we’re very, very happy and grateful to them that they allowed Gazini to grace our show.

Continue reading below ↓

"We’re really looking forward for her to be part of Miss Universe Philippines.

"So thank you so much BPCI and Madam Stella."

Nakapanayam si Shamcey sa virtual presscon ngayong hapon, October 20.

Kung si Shamcey ang masusunod, maliban sa pagsasalin ng korona sa bagong Miss Universe Philippines title-holder, gusto niya na magkaroon ng ibang partisipasyon si Gazini sa coronation night.

Pero kailangan ng permiso mula sa BPCI.

"So far, I think it’s really about crowning the new Miss Universe Philippines, but she’ll be arriving here soon.

"Actually, I wanted her to have more parts in the show, but of course, we have to course it through BPCI."

THE CROWN

Hindi sinabi ni Shamcey ang halaga ng Miss Universe Philippines crown.

Pero tiniyak niya na “real stones” ang ginamit sa crown kaya mabigat at may bodyguards na nagbabantay dito.

Si Jonas Gaffud, ang creative and events director ng Miss Universe Philippines, ang nagbahagi ng litrato ng crown.

Continue reading below ↓

Bukod sa diamonds, mayroon itong malalaking precious stones na ruby, sapphire, at topaz—na sumisimbilo sa kulay ng Philippine flag.

Paglalarawan ni Jonas ukol dito:

"The crown represents the achievement of one’s mind over body as a Filipina.

"It will be a symbol of triumph over one’s journey of trials, hard work and perseverance in obtaining one’s dream. A dream that has become a reality that would inhabit her mind, heart and spirit.

"The elements of the FILIPINA crown reflect the true meaning of womanhood. The swirl of leaves are like the lives of every woman who seeks success in different forms yet still keeps the Filipino values in their hearts.

"Every diamond embedded in each leaf lusters like smiles that sparkle the lives of people that she encounters.

"The yellow pearls express creativity, intelligence, optimism and fear of God - characteristics that make every Filipina a gem in her family.

Continue reading below ↓

"Sapphire, Ruby and Topaz represent the flag of every proud Filipina, a woman who believes in the beauty of her race, the strength that runs in the veins of her blood and the beat of her heart that would always describe a true FILIPINA."

Narito ang isa pang kuha ni Jonas sa Miss Universe Philippines crown:

Continue reading below ↓

THE JUDGES

Nang tanungin naman tungkol sa mga hurado ng 2020 Miss Universe Philippines, naging matipid pa rin ang sagot ni Shamcey.

Sumalang na raw sa swab test ang lahat ng preliminary judges pati na ang coronation night judges bago magtungo ng Baguio.

"They’re all coming here so wala tayong virtual judge. All of them would be, fingers crossed, would get negative results and be able to join us here in Baguio City.

Continue reading below ↓

"May judges na magiging judge sa finals pero meron din hanggang preliminary competition lang."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shamcey Supsup (left), nagpasalamat sa BPCI na pinayagan si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados (right) na makibahagi sa Miss Universe Philippines 2019 coronation night: "We’ve been praying for Gazini to really crown the Miss Universe Philippines winner..."
PHOTO/S: @supsupshamcey / @jonasempire.ph / @gazinii Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results