Jaclyn Jose, balik-trabaho kahit hindi pa rin tanggap ang new normal

by Jojo Gabinete
Oct 20, 2020
Jaclyn Jose, kabilang sa main cast ng Filipino adaptation ng 2010 Korean film na The Housemaid. Aniya, “Kapag tatlong buwan na akong hindi nagpo-portray ng character, parang there’s something wrong with me psychologically. So, somehow, therapy ko ito..."
PHOTO/S: YouTube (Cinema One)

Ipinagdiriwang ni Jaclyn Jose ang kanyang ika-57 kaarawan ngayong araw ng Martes, October 20, 2020, at kasabay nito ang anunsiyong may bago siyang pelikula.

Nagbigay ng karangalan si Jaclyn sa Pilipinas matapos maging kauna-unang Pilipinong nanalo ng Best Actress trophy sa prestihiyosong Cannes Film Festival noong May 22, 2016.

Ito ay dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa titular role sa indie film na Ma’ Rosa (2016).

Para sa kanyang susunod na proyekto, meaty ang role ni Jaclyn sa Filipino adaptation ng 2010 South Korean erotic thriller movie na The Housemaid.

Nominee sa 2010 Cannes Film Festival ang Korean movie na ito, na remake ng 1960 Korean film na may parehong titulo.

Hindi pa raw napapanood ni Jaclyn ang pelikula, pero nais niya itong mapanood ngayong mapapabilang siya sa gagawing Filipino adaptation.

Ang pelikula ay iikot sa mahirap na babaeng mamamasukan bilang katulong sa mayamang mag-asawa.

Magkakaroon ng relasyon ang bagong katulong sa amo niyang lalaki at dito iikot ang istorya.

Continue reading below ↓

Gagampanan ni Jaclyn ang karakter ni Marta, ang mayordoma na saksi sa lahat ng mga pangyayari sa loob ng mansion.

Ang huling ginawang pelikula ni Jaclyn ay ang 2019 Metro Manila Film Fest entry na Fantastica na pinagbidahan ni Vice Ganda.

Sa TV naman, naging bahagi siya ng 2019 GMA primetime series na The Better Woman na pinagbidahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

GEARING UP FOR THE NEW NORMAL

Bilang paghahanda sa nalalapit na lock-in shooting ng The Housemaid, iiwasan muna ni Jaclyn na makita ang kanyang mga anak at apo, para sa na rin sa kaligtasan nilang lahat.

“My daughter’s pregnant and I have a little girl, and Ellie. Iiwasan ko ang pagpunta sa kanila,” saad ni Jaclyn.

Ang tinutukoy na daughter ni Jaclyn ay ang anak na si Andi, na ngayon ay buntis. Bukod dito, may dalawa pang anak si Andi, sina Lilo (1) at Ellie (8).

Continue reading below ↓

Dugtong ni Jaclyn, “Noon pa, sinabi ko na before I start shooting, once nag-swab test na, I can’t go out anymore.”

Paniniyak ng seasoned actress, matindi ang pag-iingat at pagsunod sa lahat ng safety protocols ng kanilang produksiyon para malabanan ang coronavirus.

Aminado si Jaclyn na may kinalaman ang kanyang edad, kaya hindi naging madali sa kanya na tanggapin ang “new normal situation.”

Pero kailangan na raw niyang magtrabaho.

“Ang hirap tanggapin, at first, ng new normal. Actually, hanggang ngayon, hindi ko siya matanggap,” pag-amin ng aktres.

“When you’re not young anymore, you’re looking for your life na kinalakihan.

"So, I think I’m not that young anymore to adjust easily. It’s so hard for me.

“Sobrang ingat, hindi lumalabas kahit sa pagpunta sa mga apo, kahit sa market, grocery, everything.”

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Jaclyn na hindi lang para kumita ng pera kaya nagdesisyon siyang bumalik na sa trabaho kahit natatakot siya.

Continue reading below ↓

“We all have to work. We all have to accept work, so, we did accept this project.

“Plus, the fact na yung sistema ng katawan ko na hindi sanay na hindi umaarte because this is what I do best in life.

Pagtatapat ni Jaclyn: “Kapag tatlong buwan na akong hindi nagpo-portray ng character, parang there’s something wrong with me psychologically.

“So, somehow, therapy ko ito to get out of reality of what is happening around, kaya tumatanggap ako ng trabaho.

“Ingat na lang talaga nang mabuti, at yung acceptance, unti-unti natatanggap.”

WHAT MADE HER ACCEPT THE ROLE

Tinanggap ni Jaclyn ang proyekto na inalok ng Viva Films na maging bahagi ng The Housemaid dahil kakaiba ang role.

Script daw ang pinagbasehan ni Jaclyn para tanggapin ang role.

“It’s not all the time that you’re gonna say yes,” paliwanag niya.

“Kailangan alamin mo muna kung anong klase yung ginagawa mo, kung puchu-pucho ba ito, o ligtas ka ba?

Continue reading below ↓

“Hindi katulad dati na hindi mo masyadong iniisip yung pagtanggap.

“Ngayon, maraming considerations, kasi nga may pandemic. So, kapag nagkasundo sa lahat ng bagay at maayos, then, we say yes.”

Kahit anong role na ginagawa niya, tinitiyak daw ni Jaclyn na mabibigyan niya ito ng hustisya.

“In any role, I do my best. Kung ano lang ang dapat, iyon ang ibinibigay ko.

Continue reading below ↓

“In all my projects, I always give not more than what the character is asking. Sapat na sapat."

Sa The Housemaid dahil, mula umpisa hanggang sa exciting twist ng istorya ay mahalaga ang papel niya.

Sabi pa ni Jaclyn: “At kailangan, matalinong pagganap lang, matalinong pag-iisip.

I always say this, kapag gumagawa ako ng karakter, gusto kong isipin ng audience na, ‘Ay, may mangyayari yata. Ano kaya ang susunod?’ Pero wala naman pala.

“Ganoon ko nilalaro ‘yung characterization.

“Interesting ang character. Maraming puwedeng paglaruan. Plus, of course, we need to work."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose, kabilang sa main cast ng Filipino adaptation ng 2010 Korean film na The Housemaid. Aniya, “Kapag tatlong buwan na akong hindi nagpo-portray ng character, parang there’s something wrong with me psychologically. So, somehow, therapy ko ito..."
PHOTO/S: YouTube (Cinema One)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results