Gardo Versoza, bagong contract star ng Viva Artists Agency

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2020
Noong October 19, dumaan si Gardo Versoza sa isang simbahan upang mag-alay ng dasal at pasasalamat. Naniniwala siyang kaloob ng Diyos ang pagpasok niya bilang bagong contract star ng Viva.
PHOTO/S: @gardo_versoza Instagram

Si Gardo Verzosa ang bagong contract star ng Viva Artists Agency (VAA) kaya nagkaroon siya ng virtual press conference ngayong hapon, October 21, 2020.

Dalawa ang kontrata na pinirmahan ni Gardo—management contract sa VAA at isa pa para sa YouTube Channel ng Viva Entertainment.

Excited si Gardo sa panibagong kabanata ng kanyang career dahil sa mga project na gagawin niya sa Viva.

"Nalaman ko kay wifey na may offer nga," tukoy niya sa asawang si Ivy Vicencio.

Si Ivy ang babae na pinakasalan ni Gardo noong nakaraang taon. Siya rin ang business manager ng aktor at nasa likod ng mga trending Tik Tok videos nila.

Patuloy ni Gardo: "Sino ba naman ako para tumanggi sa offer ng Viva?

"Kumbaga, na-excite kami ni misis dahil lalawak ang playing field.

"May nila-line up na sila, may movies, series na gagawin din sa YouTube Channel."

Pinaniniwalaan ni Gardo na kagustuhan ng Panginoon ang pagpasok niya sa Viva bilang kanyang home studio.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "Nakakataba ng puso, kasi hindi naman kaila sa nakararami, galing ako before ng Seiko Films.

"Masarap ang feeling. Iba rin siyempre yung alam mo bina-back-up-an ka ng isang napakalaki at napakasaya na kompanya.”

Ang Seiko Films—ang film company ng producer na si Robbie Tan—ang nagbigay kay Gardo ng malaking break sa pelikula noong early ‘90s.

GARDO'S REAL NAME

Mennen Torres Polintan ang tunay na pangalan ni Gardo, at si Robbie ang nagbigay sa aktor ng screen name na Gardo Versoza.

Tunog kargador ang unang reaksyon ni Gardo nang marinig nito ang screen name na ibinigay ni Robbie.

Pero kinalaunan, nasanay na raw siya sa kanyang bagong pangalan.

Nang makausap ng Cabinet Files si Robbie ngayong hapon, nagbalik-tanaw siya tungkol sa pagkuha niya noon kay Gardo bilang contract star ng Seiko Films.

Aminado si Robbie na wala raw makabuluhang dahilan kung bakit Gardo Verzosa ang screen name na kanyang naisip para kay Gardo.

Continue reading below ↓

"May mga listahan ako ng mga screen name. Gardo Verzosa ang ibinigay ko sa kanya dahil lalakeng-lalake ang dating."

Pero pinatotohanan niya ang pagiging masipag na artista ni Gardo.

Sabi ni Robbie, "Payat na payat pa noon si Gardo kaya pinag-work out ko siya.

"Pero isa siya sa mga artista ng Seiko Films na napakabait at napakasipag."

GARDO'S CURRENT PROJECTS

Samantala, ratsada sa trabaho si Gardo nitong mga nakaraang buwan.

Noong Hunyo, napabalitang pagbibidahan niya ang pelikulang Lockdown Girls kasama ang comedians na sina Ate Gay, Petite, at transgender actress na si Iyah Mina.

Bahagi rin si Gardo sa bagong Kapamilya digital series na The House Arrest of Us, na ang mga bida ay ang reel-and-real-life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Magsisimula iyon sa October 25.

Continue reading below ↓

Bukod dito ay napapanood si Gardo sa Pepito Manaloto, ang weekly sitcom ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong October 19, dumaan si Gardo Versoza sa isang simbahan upang mag-alay ng dasal at pasasalamat. Naniniwala siyang kaloob ng Diyos ang pagpasok niya bilang bagong contract star ng Viva.
PHOTO/S: @gardo_versoza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results