Dennis Trillo, namahagi ng higit P11K kada staff member ng I Can See You: Truly, Madly, Deadly

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2020
Kapuso star Dennis Trillo, ibinigay ang bahagi ng kanyang talent fee sa staff ng I Can See You: Truly, Madly, Deadly.
PHOTO/S: I Can See You: Truly, Madly, Deadly

Pinaligaya nang husto ni Dennis Trillo ang staff ng I Can See You: Truly, Madly, Deadly matapos niyang mag-donate ng bahagi ng kanyang talent fee bilang cash aid sa mga ito.

Ang "Truly, Madly, Deadly" ay ang week-long series sa drama anthology na I Can See You ng GMA-7. Bida rito sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, at Dennis.

Ayon sa source ng Cabinet Files, ang ipinangakong financial help ni Dennis ay natanggap ng staff ng "Truly, Madly, Deadly" kahapon, October 20.

Sinasabing PHP11,600 ang ibinigay ni Dennis sa bawat staff member.

Kung pagbabasehan ang safety protocols sa TV production, hindi bababa sa limampu ang bilang ng production staff ng kada programa ng Kapuso Network.

Kaya sa kuwenta ng Cabinet Files informant, maaaring umabot ng halos kalahating milyong piso ang halaga ng financial help na ipinagkaloob ni Dennis sa staff.

Lubhang naantig ang damdamin ng staff ng "Truly, Madly, Deadly" dahil sa kabutihang-loob na ipinamalas ng aktor.

Continue reading below ↓

"God bless your generosity. Salamat sa pagbabahagi ng sahod mo sa amin sa panahon ng pandemya, ang Panginoon na ang bahala na bumawi sa 'yo.

"Mahal ka namin at isang inspirasyon ka," ang ilan sa mga papuri na tinanggap ni Dennis mula sa mga maliliit na manggagawa sa produksyon.

A TOKEN OF APPRECIATION

Sa panayam ng 24 Oras noong October 14, nabanggit ni Dennis na nais niyang i-donate ang bahagi ng kanyang talent fee sa production staff na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Pahayag ni Dennis: "Sila talaga yung babad sa trabaho, sila yung pinakamaagang gumigising, at bukod doon, sila pa rin yung pinaka-late na natutulog.

"Para sa akin na artista, sila na yung pinakamagaan na trabaho sa set, e.

"Para maibalik lang din yung gratitude tsaka appreciation sa lahat ng mga trabahong ginagawa nila."

MYSTERY STALKER

Ang "Truly, Madly, Deadly" ng I Can See You ay kuwento ng dating best friends na sina Coleen (Jennylyn) at Abby (Rhian).

Continue reading below ↓

Nasira ang pagkakaibigan nila nang malaman ni Coleen na stalker niya si Abby dahil may lihim itong gusto sa kanya.

Makalipas ang maraming taon, muling nagkrus ang landas nila sa isang resort kunsaan manager si Coleen.

Dito ay muling magkakaroon ng stalker si Coleen. Si Abby kaya ito o ang gwapong IT manager (Dennis) na katrabaho ni Coleen?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Dennis Trillo, ibinigay ang bahagi ng kanyang talent fee sa staff ng I Can See You: Truly, Madly, Deadly.
PHOTO/S: I Can See You: Truly, Madly, Deadly
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results