Gardo Versoza nag-react sa mga humuhusga sa kanya na, "Aba, bakla iyan, e."

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2020
Gardo Versoza on dance collabs with his wife Ivy: "Actually, ang stylist ko, si Kumander... so wala akong magawa kundi ang sumunod. At dala-dala ko iyan palagi, yung high heels."
PHOTO/S: @gardo_versoza Instagram

Aktibo ang aktor na si Gardo Versoza sa paggawa ng iba-ibang dance challenge sa TikTok, ang app para sa short-form mobile videos.

Ipinopost din ito ni Gardo sa kanyang Instagram account, at makikita ritong tila naging trademark na niya ang pagsuot ng skimpy boxer shorts at high heels habang nagsasayaw.

Kasama rin niya sa mga video ang misis niya na si Ivy Vicencio.

Continue reading below ↓

Naaaliw ang netizens na makita ang galing sa pagkembot ni Gardo, na noong '90s ay kilala sa paggawa ng action at sexy films.

Kung minsan ay kuntodo eye makeup pa ang aktor sa kanyang videos.

Pero kung marami ang naaaliw sa mga dance challenge nina Gardo at Ivy, may mga tao rin na hindi natutuwa at binabatikos ang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Gardo, may mga humuhusga pa raw sa kanya na siya ay "bakla."

Dedma lang naman daw sila ni Ivy sa bashers.

"Kahit saan naman yata [may bashers]," kaswal na saad ni Gardo.

Dugtong niya: "May mga nagsasabi na, 'Sabi ko na, 'Aba, bakla 'yan. e. Hindi lang nag-a-out dati, pero ngayon out na siya.'

"Minsan sinasabi, 'Tingnan niyo, mas mukha pa siyang babae sa asawa niya.'

"Yung mga ganoong bashing hindi natin maiiwasan."

Mas nakatutok daw ang atensiyon nina Gardo at Ivy sa mga taong natutuwa sa kanilang videos.

"Basta kaming mag-asawa, hangad lang namin, makapag-share ng kahit konting saya, lalo na ngayong pandemya.

"Kapag negative, huwag nang patulan."

Kahapon, October 22, nakapanayam si Gardo sa virtual presscon kunsaan inilunsad siya bilang bagong Viva artist.

dance COLLABS WITH HIS "KUMANDER"

Sabi pa niya, wala raw siyang nakikitang dahilan para ihinto nila ni Ivy ang kanilang mga TikTok video.

Continue reading below ↓

Lingid sa kaalaman ng iba, si Ivy ay tumatayong business manager ni Gardo at ito rin daw ang nangunguna sa pagpaplano ng kanilang social media content.

Paano ang ginagawa nila kapag abala si Gardo sa mga taping?

Sagot ni Gardo: "Kapag nagtatagal sa lock-in, hindi kami makapag-TikTok together.

"So after ng lock-in period ng isang project, nangungulit na siya kung ano yung mga gagawin namin na TikToks."

Tukoy pa niya sa kanyang asawang si Ivy: "Actually, ang stylist ko, si Kumander.

"E, siyempre, di ba, 'Happy wife, happy life,' so wala akong magawa kundi ang sumunod.

"At dala-dala ko iyan palagi, yung high heels."

Narito ang ilan sa comments ng fans ni Gardo na sumusubaybay sa kanyang mga dance challenge:

Continue reading below ↓

HAPPY MARRIED LIFE

Sa huli, sinabi ni Gardo na masaya ang buhay mag-asawa nila ni Ivy.

Labing-tatlong taon silang magkarelasyon bago pinakasalan ni Gardo si Ivy noong May 18, 2019.

Sabi ni Gardo, ang totoo ay wala na raw siyang balak mag-asawa nang pumanaw ang kanyang ina noong December 2010.

Continue reading below ↓

"Actually, bago nawala si Mommy ko, nasabi ko na po kay mommy ko na hindi na ako mag-aasawa.

"Si Mommy na talaga ang huling espesyal na babae sa buhay ko.

"E, dumating si Ivy. Nag-iba po ang ihip ng hangin."

Nahanap daw ni Gardo kay Ivy ang mga katangiang gusto niyang makasama habang-buhay.

"May mga ugali at traits si Ivy na medyo malapit sa nanay ko.

"Habang dumadaan ang panahon, naramdaman ko na she deserves na, kumbaga po, iyon ang pinaka-way para ma-seal ko yung love ko sa kanya.

"Kaya last year kami nag-asawa."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gardo Versoza on dance collabs with his wife Ivy: "Actually, ang stylist ko, si Kumander... so wala akong magawa kundi ang sumunod. At dala-dala ko iyan palagi, yung high heels."
PHOTO/S: @gardo_versoza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results