Donnalyn Bartolome, ipinarenta ang three-year-old family home

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2020
Donnalyn Bartolome, nagdesisyong iparenta at kalaunan ay ipagbili ang bahay ng kanyang pamilya: "We’re not pushing to sell it right now 'cause may tenant pa, but the house is getting a lot of inquiries after my vlog."
PHOTO/S: Donnalyn Bartolome Youtube

Pinaplanong ipagbili ni Donnalyn Bartolome ang kanyang three-year-old family home, dahil nag-migrate na sa Amerika ang kanyang buong pamilya, at siya na lamang ang naiwang mag-isa dito sa Pilipinas.

Si Donnalyn ay 26-year-old artist ng Viva na bumida sa mga pelikulang Jacqueline Comes Home at Cry No Fear noong 2018. Napanood din siya sa TV5 series na The Kasambahays noong 2019.

Sa ngayon ay ipinarenta muna ni Donnalyn ang bahay habang wala pang nahahanap na buyer nito.

"If may bumili, great. If wala, okay lang kasi maganda naman ang bahay to keep," sabi ni Donnalyn sa panayam ng Cabinet Files.

Ikinagulat naman ng aktres ang pagbaha ng inquiries mula nang mag-vlog siya tungkol sa pinagbibili niyang bahay, na hindi niya sinabi ang exact location.

Pero aniya, "We’re not pushing to sell it right now 'cause may tenant pa, but the house is getting a lot of inquiries after my vlog."

Continue reading below ↓

Noong September 2 ipinakita ni Donnalyn ang house tour sa kanyang vlog.

Wala nang lamang gamit ang bahay noon dahil, anang aktres, kinabukasan ay lilipat pa lang ang kanyang tenant.

Si Donnalyn ang may idea na ipagbili ang bahay nila sa panahon ng coronavirus pandemic at pumayag naman ang kanyang mga magulang.

Continue reading below ↓

Hindi madali para kay Donnalyn na iwanan ang kanilang tahanan dahil sa mga hindi malilimutan na karanasan niya roon.

Lahad pa ng aktres, "My favorite time in that house is Christmas 2018. The whole family was complete.

"My brother, the one born after me, usually misses special occasions kasi may partner na siya and actually has a family now so lagi siyang wala.

"And si Dad, naka-station elsewhere sa work niya, so watak-watak kami.

"But that year, kumpleto kami so that will forever be in my memory."

Ang ama ni Donnalyn ay nagtatrabaho sa U.S. Navy kaya nadedestino ito sa iba-ibang lugar.

RELYING ON YOUTUBE & BRAND SPONSORS

Sa huling interview ng Cabinet Files kay Donnalyn noong May 2020, hindi niya itinanggi na nabawasan ang kanyang income bilang social media influencer dahil sa malaking epekto ng coronavirus pandemic sa ekonomiya.

Napilitan din siyang pansamantalang isara ang kanyang hair shop sa Tomas Morato Avenue, Quezon City nang ipatupad ang ECQ mula March 2020 hanggang May 2020.

Continue reading below ↓

Pero masaya si Donnalyn dahil unti-unting nakakabawi ang kanyang YouTube Channel ngayon.

"First three months ng pandemic, it was so low, sobrang nabawasan ang income. But now, it’s getting better and is actually returning to normal."

Walang inisip noon na fallback ang aktres-Youtuber kaya nagpapasalamat siya sa kanyang mga social media supporter.

"Thankfully, my social media presence helped me so much. I got a lot more work from brands, a lot more ideas for content creation.

"Na-delay ang movie projects ko, but okay lang din dahil wala naman manonood ng sine ngayon."

DONNALYN'S HAIR SHOP

Masayang ibinalita rin ni Donnalyn na magbubukas na uli ang kanyang hair shop ngayong Oktubre.

"Sa Hey Doll naman, it was tough. Nagpapasuweldo ako ng zero income, pati yung upa sa shop binabayaran ko rin.

"But recently yung owner nagbigay ng 12-month moratorium—meaning postponed muna ang rental payments until Hey Doll gets back on its feet."

Continue reading below ↓

May mga isinakripisyo at pagtitipid na ginawa si Donnalyn para makapag-adjust siya sa malaking problema na hatid ng COVID-19 pandemic.

Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil sa kabila ng hirap na dinaanan ay hindi siya pinabayaan ng Diyos.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donnalyn Bartolome, nagdesisyong iparenta at kalaunan ay ipagbili ang bahay ng kanyang pamilya: "We’re not pushing to sell it right now 'cause may tenant pa, but the house is getting a lot of inquiries after my vlog."
PHOTO/S: Donnalyn Bartolome Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results