Upcoming noontime show sa PTV4, lalaban sa mga pambato ng GMA-7, A2Z, TV5, Net25

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2020
An independent producer is cooking up a noontime show to be aired on state-owned channel PTV4. The show, which has a working title called Tawa Sa Tanghali, will go against GMA-7's Eat Bulaga, A2Z's It's Showtime, TV5's Laugh Out Loud, and Net25's Happy Time.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga, It's Showtime, Laugh Out Loud, Happy Time

Nasa planning stage na ang nilulutong noontime show ng PTV4, na may tentative title na Tawa Sa Tanghali.

Ito ay blocktime program, gawa ng isang independent producer, na eere sa government owned- television network.

Posibleng mapanood ang Tawa Sa Tanghali simula sa susunod na buwan.

Sa kasalukuyan, may apat na noontime shows sa Pilipinas kaya may mapagpipilian ang televiewers.

Nariyan ang iconic noontime show na Eat Bulaga sa GMA-7.

Ang kilalang Kapamilya show na It's Showtime ay blocktimer sa A2Z Channel 11, at napapanood din sa cable channels at digital platform via Kapamilya Channel.

Bagong lunsad lang ng Lunch Out Loud, na iprinodyus ng Brightlight Productions at umeere sa TV5.

Mahirap panoorin nang sabay-sabay ang mga nabanggit na programa dahil may limitasyon ang paggamit ng mga TV remote control.

Puwedeng-puwede lang na mapanood, simultaneously, ang mga noontime show kung apat ang television set ng viewer at kung matiyaga ito dahil wala na talaga siyang ibang ginagawa sa buhay kundi ang panoorin ang lahat ng mga programa sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Ang tanong, kakayanin pa ba ng mga Pilipino na magkaroon ng karagdagan na noontime show na tatangkilikin nila?

Kung kailan may coronavirus pandemic, saka nadaragdagan ang bilang ng mga noontime show na pabor sa television industry dahil marami ang nabibigyan ng trabaho.

Nakikinabang din ang mga artista na bihirang napapanood sa telebisyon noong ang Eat Bulaga at It’s Showtime pa lamang ang magkatapat na programa.

Mas nabibigyan kasi sila ng exposure ngayon dahil nakuha sila, kung hindi man hosts, ay celebrity guests ng kasalukuyang noontime shows.

At sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine television, ngayon lamang magkakaroon ng limang noontime shows na magkakatapat sa noontime block.

Lalong nagpapatindi ito ng kumpetisyon, kaya matira ang matibay at pabonggahan na lang ang labanan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An independent producer is cooking up a noontime show to be aired on state-owned channel PTV4. The show, which has a working title called Tawa Sa Tanghali, will go against GMA-7's Eat Bulaga, A2Z's It's Showtime, TV5's Laugh Out Loud, and Net25's Happy Time.
PHOTO/S: Screengrab from Eat Bulaga, It's Showtime, Laugh Out Loud, Happy Time
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results