Empoy Marquez, ikinuwento ang kanyang di malilimutang real-life ghost story

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2020
Tandang-tanda pa ni Empoy Marquez ang insidenteng nakakita siya ng multo sa convenience store na pinasukan niya bilang sales clerk.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Dahil malapit na ang All Saints’ Day, ang mga nakakatakot na totoong karanasan ng mga artista tungkol sa mga multo ang itinatanong sa kanila.

Isa ang komedyanteng si Empoy Marquez—o Julius Erman Marquez in real life—sa mga showbiz personality na naniniwala sa multo.

Dahil ito sa karanasan niya noong nagtatrabaho pa siya bilang sales clerk sa isang convenience store sa Bulacan.

Kuwento ni Empoy, panggabi ang shift niya nang makakita siya ng multo sa likod ng frozen carbonated drink machine ng convenience store.

"Graveyard shift ang duty ko noon. 10 p.m. ang time-in ko, at 2:00 a.m. nang makita ko siya sa likod ng machine.

"Talagang nakita ko siya pag-angat ko ng tatlong case ng beer.

"Nang makita ko siya, naka-apron siya na black, same lang ng suot ko."

Tandang-tanda pa ni Empoy ang itsura ng nakaengkuwentrong multo.

Paglalarawan pa ng comedian: "Yung mukha niya, parang kapag nanigarilyo ka, binugahan mo ng usok, ganoon ‘yung mukha niya, blurred.

Continue reading below ↓

"Nung makita ko siya, nagtatakbo talaga ako sa manager ko. Sabi ko, 'Sir Dave! Sir Dave! May multo po! May multo po!

"Bigla niyang hinawakan ang bibig ko. Sabi niya, 'Julius balik ka muna doon. Baka sabihin nila, nasisira ang ulo mo.'"

Kinabukasan, saka lang umamin ang manager ni Empoy na hindi guni-guni ang nakita nitong multo.

"'Tapos nung morning, pagkatapos ng duty namin, nagkakainan na kami.

"Sinabi sa akin ng pinaka-manager ko, 'Pasensya ka na, Julius, hindi namin sinabi sa iyo kagabi, habang naka-duty ka.

"Yung nakita mo, si Vladimir iyon."

Hinala raw ng mga katrabaho ni Empoy, ang nagpaparamdam na multo ay dating empleyado ng convenience store.

Sabi pa raw ng manager ni Empoy, "Magiging manager na dapat dito, kaya lang binangungot siya diyan sa likod ng office."

Nagdulot daw iyon ng matinding takot kay Empoy, at iyon daw ang dahilan para mag-resign siya.

"Yun ang time na hindi ko na kinuha ang suweldo ko. Hindi ko na isinauli ang uniform ko. Hindi na ako nagpakita sa kanila," balik-tanaw ng komedyante.

Continue reading below ↓

Nagkataon namang lazy grim reaper o tamad na kamatayan ang karakter na ginagampanan ni Empoy sa season 2 ng Ghost Adventures, ang comedy show ng Viva Television at TV5.

Pero hindi natakot si Empoy na tanggapin ang TV project, dahil alam niya na kathang-isip lamang ang role niyang malayo sa kanyang real-life ghost encounter noon.

Sina Benjie Paras, Andrew Muhlach, at Kylie Verzosa ang co-stars ni Empoy sa fresh episodes ng Ghost Adventures, na mapapanood simula sa October 31, ang gabi ng Halloween.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tandang-tanda pa ni Empoy Marquez ang insidenteng nakakita siya ng multo sa convenience store na pinasukan niya bilang sales clerk.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results