Miss Manila on Miss Universe PH prelims Q&A: "Wait lang, puwedeng paki-pause yung time?"

by Jojo Gabinete
Oct 23, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon sa panelist na nagsabing time's up para sa pagsagot niya sa isang tanong: "Thank you so much. Easy ka lang sa pag-time, parang nagugulat ako, e. May galit ka yata, Sir? Gulat ako!"
PHOTO/S: Miss Universe Philippines / @alexandra.abdon Instagram

Walang katiyakan kung masusungkit ni Miss Manila Alexandra Abdon ang 2020 Miss Universe Philippines 2020 crown, pero panalong-panalo siya sa puso ng netizens dahil sa mga sagot niya sa preliminary interview.

Ngayong Biyernes, October 23, nag-trend si Alexandra sa social media dahil sa kanyang pagiging kikay at walang pretensiyon sa pagsagot sa mga katanungan ng mga hurado.

Kung magkakaroon ng online voting para sa People’s Choice Award, malaki ang tsansa ni Abdon na magwagi dahil sa kanyang personalidad.

Malamig ang klima sa Baguio City pero hingal na hingal si Alexandra nang humarap siya sa mga judge dahil sa mataas na hagdan na inakyat niya.

Nang sabihin sa kanya na kailangan na masagot niya ang bawat tanong sa loob lamang ng tatlumpong segundo, nag-timeout muna siya.

"Wait, kailangan kong huminga, kailangan kong huminga," hinihingal na saad ni Alexandra."

Maya-maya pa, sabi ni Alexandra, "Okay, game!"

Sabi ng isa sa panelists, "Yung totoo? Game ka na ba?"

Continue reading below ↓

Kaswal na katuwiran ng 26-year-old Miss Manila candidate, "Sa pag-akyat saka paulit-ulit kasi. Feeling ko paulit-ulit kami ng sinasabi na malamig."

Nang sabihin ng isang judge na siya lang nagsabi na malamig, napapangiting sabi niya, "Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan!"

Tawa naman nang tawa ang panelists sa sumunod na hirit ni Alexandria.

"Pinapapatay ko yung aircon kanina, wala palang aircon. Sabi ko, 'Pakipatay yung aircon.' So wala pala," halatang nanginginig sa lamig pa ring sabi ng dalaga.

"Sige ang dami kong tsika," sabi niya kapagkuwan.


Continue reading below ↓

KEEPING IT REAL

Ipinaliwanag ni Alexandra na natural ang kanyang pananalita at mga ikinikilos dahil ito ang tunay na ugali ng mga Manileño.

"Super natural ko lang kasi, basically, ganito talaga kami sa Manila, like, super, hindi kami super nagpe-fake ng personality namin.

"Kung paano kami mag-dress up, kaya most of the time lagi lang akong naka-pajama. And then yesterday, I’m wearing a sweatshirt, not like this.

"And then, super comfortable ako without make-up."

Dahil lumalampas sa itinakdang oras ang kanyang mga sagot, pinahinto si Alexandra sa pagsasalita na ikinagulat niya.

Sabi ni Alexandra sa panelist na nagpahinto sa kanya, "Thank you so much. Easy ka lang sa pag-time, parang nagugulat ako, e. May galit ka yata, Sir? Gulat ako!'"

ONE BEAUTIFUL WORD

Nang tanungin kung ano ang one beautiful word para sa kanya sa kanyang local language o dialect, ito ang sagot ng kinatawan ng Manila:

"One beautiful word in my language... Well… Manila. Usually, Tagalog lang naman so, uhm, ano…

Continue reading below ↓

"Hindi ako makapag-isip, wait.

"Wait lang, puwedeng paki-pause yung time?" pakiusap ni Alexandria na ikinatawa ng mga hurado.

Patuloy niya, "For Manila, I would go for matatapang. Matatapang lahat ng Manileño, Manileña.

"Kahit babae matatapang, meron silang pinaglalaban, especially alam namin na tama pinaglalaban namin."

Nang sabihing time's up, sabi ulit ni Alexandra, "Easy lang, Direk. Wag kang magalit sa akin, Direk."

Tuwang-tuwa ang netizens sa karakter ni Alexandra.

Pinayuhan siyang sumali sa susunod na season ng Pinoy Big Brother, ang reality show ng ABS-CBN, kung sakaling hindi siya palaring manalo sa 2020 Miss Universe Philippines.

Gustung-gusto raw ng netizens na nakapanood sa kanyang prelims interview ang kanyang pagiging totoo at pagpapakatotoo.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon sa panelist na nagsabing time's up para sa pagsagot niya sa isang tanong: "Thank you so much. Easy ka lang sa pag-time, parang nagugulat ako, e. May galit ka yata, Sir? Gulat ako!"
PHOTO/S: Miss Universe Philippines / @alexandra.abdon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results