Anak nga ba ni Imee Marcos si Little Aimee?

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2020
Imee Marcos (left). Aimee Marcos flanked by biological mother Teresita Romualdez (left) and half-sister MJ Marfori (right).
After 41 years, nabunyag na ang katotohanan sa urban legend na anak ni Imee Marcos (kaliwa) ang adopted daughter noon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos, na si "Little Aimee" o mas kilala ngayon bilang si Aimee Marcos. Sa kanang picture napapagitnaan si Aimee ng inang si Teresita Romualdez (kaliwa) at half-sister na si MJ Marfori (kanan).
PHOTO/S: (left) @officialimeemarcos, (right) @aimeer.marcos Instagram

Ang television entertainment reporter na si MJ Marfori-Oida ang isa sa mga co-hosts ni Raffy Tulfo sa Idol In Action, ang public service program ng TV5 na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 am to 12 noon.

Malaki ang kontribusyon ng kredibilidad at ng bubbly character ni MJ para maging entertaining ang programa ni Raffy, kahit mabibigat ang mga problema ng ating mga kababayan na tinatalakay at binibigyan agad ng solusyon ng programa.

Public knowledge na asawa ni MJ Marfori ang GMA-7 news reporter na si Oscar Oida. Ikinasal ang dalawa sa San Agustin Church noong January 30, 2016.

Doon namin nakita na kabilang sa mga bisita si Aimee R. Marcos, na nakilala ng bansa bilang Little Aimee, ang "adopted daughter" ng pamilya Marcos noong si Ferdinand Marcos ay nakaupo sa Malacañang Palace.

Noong October 2019, muli naming nakita si Little Aimee. Ito ay sa burol naman ni Teresita Romualdez sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

Continue reading below ↓

Si Teresita ang ina ni MJ.


Sa burol ni Teresita namin nalaman na siya ang biological mother ni Aimee.

Noong si Marcos pa ang pangulo ng bansa, ang pagkakaroon ng anak sa pagkadalaga ng kanyang panganay na si Imee ay naging urban legend.


Continue reading below ↓

Ayon sa naging kuwento-kuwento, lihim na nagbuntis at nagsilang si Imee ng anak sa ibang bansa noong 1978 at si Aimee ang bunga.

Si Imee ay isang senador ng Pilipinas sa kasalukuyan.

At makalipas ang 41 taon, lumitaw ang katotohanan: Anak ni Teresita Romualdez si Aimee.

Na ipinanganak si Aimee sa ibang bansa ang tanging lehitimong impormasyon sa kumalat na urban legend noon sa pagkatao niya.

Pamangkin ni former First Lady Imelda Marcos si Teresita dahil anak ito ng kanyang kapatid na si Vicente Romualdez.

Mula nang isilang si Aimee sa Amerika, si Imelda na ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya.

Hanggang ngayon, sina Imelda at Ferdinand ang kinikilala niyang magulang.

Nang magdalaga si Aimee, naging bahagi rin siya ng music industry bilang drummer ng indie music band na The Dorques.

Nang tanungin namin si MJ kung half-sister niya si Aimee, "yes" ang kanyang sagot.

Aniya, "Close kami. Super fun niya na kasama."

Continue reading below ↓

Isang kumpirmasyon ito na nagbibigay-tuldok sa urban legend na anak ni Imee si Aimee, at patunay na talamak ang fake news sa Pilipinas mula noon hanggang ngayon.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 41 years, nabunyag na ang katotohanan sa urban legend na anak ni Imee Marcos (kaliwa) ang adopted daughter noon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos, na si "Little Aimee" o mas kilala ngayon bilang si Aimee Marcos. Sa kanang picture napapagitnaan si Aimee ng inang si Teresita Romualdez (kaliwa) at half-sister na si MJ Marfori (kanan).
PHOTO/S: (left) @officialimeemarcos, (right) @aimeer.marcos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results