Pops Fernandez, pansamantalang kapalit ni Lani Misalucha sa The Clash

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2020
Pops Fernandez with the clash season 3 name tag
Pops Fernandez, makakasama nina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista sa Clash Panel ng GMA-7 reality show na The Clash.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial Instagram

Si Pops Fernandez ang temporary replacement kay Lani Misalucha bilang member ng Clash Panel ng The Clash.

Ito ay dahil hindi nakapag-taping si Lani para sa bagong episodes ng reality talent competition ng GMA-7.

Hindi matatawaran ang professionalism ni Lani, pero hindi kinaya ng katawan nito ang karamdaman na tumama sa kanya kaya napilitan siya na magpahinga.

Walang dapat ipag-alala ang fans at concerned friends ni Lani dahil hindi related sa COVID-19 ang sakit niya.

Ang hindi inaasahang pagkakasakit ni Lani ang dahilan kaya si Pops ang pumalit sa kanya bilang isa sa mga hurado ng The Clash.

Sigurado naman na magbabalik si Lani sa The Clash kapag bumuti na ang pakiramdam niya.

For the meantime, si Pops muna ang makakasama nina Ai-Ai Delas Alas at Christian Bautista sa pagbibigay ng mga bagong hamon sa Top 20 contenders, na magtatagisan ng husay sa pagkanta ngayong Sabado ng gabi, October 24.

Continue reading below ↓

May bagong twist sa The Clash dahil sa pula, puti, itim, at asul na kulay na maghahatid ng malaking pagbabago sa singing competition ng Kapuso Network.

Samantala, balitang-balita na magiging mainstay din si Lani ng Sunday Noontime Live, ang musical variety show ng Brighlight Productions at ng TV5.

Pero wala siya sa virtual press conference at pilot telecast ng programa dahil nga sa kanyang karamdaman.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa noong October 18 ang Sunday Noontime Live, na ang main hosts ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez, makakasama nina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista sa Clash Panel ng GMA-7 reality show na The Clash.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results