Alfred Vargas, ipinambili ng digital tablets ang napanalunan sa "Bawal Judgmental"

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2020
Alfred Vargas on Bawal Judgmental
Patuloy lang ang aktor at congressman na si Alfred Vargas sa pamimigay ng digital tablets sa mga bata sa kanyang nasasakupang distrito sa Quezon City.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial Instagram

Ngayon ang 41st birthday ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.

Isa lang ang hiling niya para sa kanyang kaarawan: ang matapos na ang coronavirus pandemic para bumalik na sa normal ang buhay ng lahat ng tao sa buong mundo.

Noong nakaraang buwan, ginastos ni Alfred ang buong suweldo nito sa pamamagitan ng pagbili ng digital tablets na ipinamahagi niya para magamit sa online class ng mga kapus-palad na bata na nasasakupan ng kanyang distrito.

Bukod sa mga ipinamahagi na digital tablets, tuluy-tuloy ang weekly raffle draw ni Alfred para sa mga bata na pagkakalooban niya ng gadgets na pangunahin na kailangan sa online class.

Noong Lunes, si Alfred ang celebrity player sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga at ipambibili rin niya ng mga digital tablet ang cash prize na kanyang tinanggap.

“Huwag po kayong mag-alala, kapag may nakuha tayo na additional donors at kapag may makayanan po ulit tayo na bilhin, itutuloy ko po ang pamimigay ng batch by batch na tablets at kung hindi kayo makakuha, tuluy-tuloy ang aming raffle every week.

Continue reading below ↓

“Sayang na, e. Kung may super powers lang sana ako, lahat bibigyan natin pero alam niyo naman na medyo limited ang ating resources,” pahayag ni Alfred.

Mahigit na fifty pounds ang nabawas sa timbang ni Alfred na resulta ng kanyang seryoso na pagpapapayat habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang Luzon dahil sa coronavirus pandemic.

Meanwhile,ang pagkakaroon ng poor internet connection sa kanilang lugar ang isa sa mga concern ni Alfred dahil nag-aalala siya para sa mga bata na may mga online class.

Alam ni Alfred ang mga problema na nararanasan ng mga magulang at mga bata sa distrito nila.

Siya kasi mismo, dalawa ang internet service provider sa kanyang tahanan pero sabay na nagkaroon ng aberya nitong nakaraang linggo.

Napilitan tuloy ang misis niya na bumili ng pocket wifi para sa kanilang mga anak na may online class.

Umaasa si Alfred na mabibigyan agad ng solusyon ng mga telecommunication service provider ang malaking problema sa Internet connection sa kanilang distrito dahil kawawa ang kalagayan ng mga mag-aaral na hindi nakakadalo sa mga online class.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy lang ang aktor at congressman na si Alfred Vargas sa pamimigay ng digital tablets sa mga bata sa kanyang nasasakupang distrito sa Quezon City.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results