Ian Veneracion, nagustuhan ang lock-in taping system ngayon sa paggawa ng TV show

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2020
Ian Veneracion smiling in white shirt.
Sana raw ay noon pa ginawa ang lock-in taping system, sabi ni Ian Veneracion.
PHOTO/S: PR photo

Pitong buwan na hindi lumabas ng bahay si Ian Veneracion mula nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine noong March 15, 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Nakita lang ni Ian ang “outside world” nang tanggapin niya ang alok ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films at ng Brighlight Productions para magbida sa Oh My Dad, ang family-oriented sitcom na mapapanood simula ngayon, October 24, 5 pm to 6 pm sa TV5.

Mahigpit na sinunod ng Quantum Films at Brighlight Productions ang health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ( IATF-EID) kaya nagkaroon sila ng lock-in taping sa Clark, Pampanga.

Nagustuhan ni Ian ang lock-in taping system dahil mabilis ang trabaho at malaki ang oras na natipid nila.

Nasabi nga niya na noon pa sana ginawa ang lock-in taping at magtuluy-tuloy ito kahit tapos na ang pandemya.

Para kay Ian, isang pleasant experience ang taping niya para sa Oh My Dad dahil masaya at magaan na katrabaho ang cast at ang production crew.

Continue reading below ↓

Concept ni Atty. Alonso ang kuwento ng Oh My Dad at ayon sa kanya, ibang klaseng comedy ang mapapanood sa sitcom na mula sa direksyon ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian.

Reunion project nila ang Oh My Dad dahil si Jeturian ang direktor ng Legal Forum, ang public service television show ni Atty. Alonso noong 1992.

Si Alpha Habon ang pinili ni Atty. Alonso para sumulat ng kuwento ng Oh My Dad dahil siya rin ang nagsulat ng script ng Buy Now, Die Later, ang supernatural psychological horror suspense film na official entry ng Quantum Films sa 41st Metro Manila Film Festival noong December 2015.

Sa kagustuhan na matulungan ang mga television worker na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic at makapagbigay ng aliw sa televiewers, tinanggap ni Atty. Alonso ang hamon na maging producer ng sitcom na pinagbibidahan nina Ian, Dimples Romana, Ariel Ureta, Sue Ramirez, Louise Abuel, Adrian Lindayag, at ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sana raw ay noon pa ginawa ang lock-in taping system, sabi ni Ian Veneracion.
PHOTO/S: PR photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results