Kim Molina, dating hinuhusgahan, manghuhusga naman ngayon

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2020
Hindi pa man gaanong matagal sa showbiz, si Kim Molina raw ang pinakamagaling na kumilatis sa masked contestants kesa sa iba pang judges ng The Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: @kimsmolina on Instagram

Si Kim Molina ang itinuturing na baguhan sa cast ng The Masked Singer Pilipinas.

Kaya malaking karangalan para sa singer-actress na makatrabaho ang host na si Billy Crawford at ang co-judges niyang sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, at Matteo Guidicelli na naunang pumasok sa showbiz kesa sa kanya.

“I feel honored and blessed all at the same time. Being chosen to be part of the judges' panel is definitely something unexpected for me this year but is also something I am excited to do,” ang pahayag ni Kim nang makausap siya ng Cabinet Files.

Mamayang alas-siyete ng gabi na ipalalabas sa TV5 ang pilot episode ng The Masked Singer Pilipinas.

“Among my three co-judges, it was Cristine whom I've worked with before. She's my dressing roommate for this season since isang room lang kaming girls and I must say that we look after each other lalo ngayon na 'new normal.'

Continue reading below ↓

"Matteo is so much fun to work with. Actually, kami ang laging magka-debate sa hulaan which is fun naman.

“It was Kuya Aga that I had to shake off my fangirling self.

“My mom is a fan of the Lea-Aga love team, and my whole life, all she kept giggling about was Aga. But when I got to know him, he's actually really approachable,” ang description ni Kim sa mga kasamahan niya sa reality competition ng Viva Television at TV5.

Produkto ng singing contest si Kim kaya naranasan nito noon na mahusgahan.

Pero ngayon, siya na ang maghuhusga dahil sa responsibilidad niya bilang hurado ng The Masked Singer Pilipinas at hindi na raw ito bago sa kanya.

“I was part of the screening committee of the Saudi Arabian team World Championships Of The Performing Arts back then and I think that made me ready for this opportunity.

“It's the thought of judging on national television that's new to me. It's a leap.

Continue reading below ↓

"But sharing my insights as a performer is definitely something I'm looking forward to sharing with the public.

“The challenge for us is to name the artist. It's amazing to watch artists transform into someone totally different from what they're known for,” ang sabi ni Kim.

Si Kim daw ang pinakamagaling na manghula sa katauhan ng mga contestant kumpara kina Aga, Cristine, at Matteo.

“Lumaki po kasi akong nakikinig sa iba't ibang klase ng music.

"From my dad, he taught me the techniques vocally. He would make me listen to various artists.

“I think doon ko po nakuha plus the fact na I'm a theater actress and a performer, marami na rin po akong mga nakasama.”

Lastly, hiningi ng Cabinet Files kay Kim ang opinyon niya tungkol sa mga haka-haka na ginaya ng "Hide and Sing" ng It’s Showtime ang concept ng The Masked Singer Pilipinas.

“Ang tinitingnan ko na lang is as long as marami kaming mga tao na napapasaya, as cliche as it may sound, okey na po ‘yon.

Continue reading below ↓

“I am close with the Showtime family, kahit from my Rak Of Aegis days to Jowable, them being all supportive of my endeavors kaya ganu’n din naman po ako.

“Kahit saan na TV station pa ‘yan, basta maraming napapasaya lalo na sa panahon ngayon, doon na lang po sana tayo.

“Tama na po ang competition between shows and networks. Ngayong 2020 kasi mas marami ang importanteng bagay na inaalaala ang mga tao kesa rivalry.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa man gaanong matagal sa showbiz, si Kim Molina raw ang pinakamagaling na kumilatis sa masked contestants kesa sa iba pang judges ng The Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: @kimsmolina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results