The Masked Singer Pilipinas, mainit ang pagtanggap ng viewers

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2020
Sa unang episode ng The Masked Singer Pilipinas, eliminated ang masked singer na si Aspin na si Renz Verano pala.
PHOTO/S: The Masked Singer Pilipinas PR / Screenshot from The Masked Singer Pilipinas

Mainit ang pagtanggap ng publiko sa pilot episode ng The Masked Singer Pilipinas na napanood ngayong gabi.

Nag-trending ito sa social media, positive ang reviews, at nakisabay ang televiewers sa panghuhula sa identity ng Top 4 Secret Celebrities na nasa likod ng maskara nina Adarna, Pusaway, Aspin, at 2-2-B.

Si Renz Verano ang unang casualty at eliminated sa The Masked Singer Pilipinas dahil siya ang nakakuha ng pinakamababa na boto mula sa judge detectives na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Kim Molina, Matteo Guidicelli, at Studio Masked Universe.

Binago ni Renz ang timbre ng kanyang boses nang kantahin niya ang "I’m Yours" ni Jason Mraz pero nahulaan pa rin ni Kim ang kanyang identity dahil matagal silang nagkasama at gumanap na mag-ama sa Pinoy musical na Rak of Aegis.

“Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hihingi ako ng dagdag na TF [talent fee]," ang reaksyon ng pawisang-pawisan na si Renz nang alisin nito ang Aspin mask na ipinasuot sa kanya.

Continue reading below ↓

“Naging anak ko ‘yan [Kim] sa Rak of Aegis, ang tagal-tagal. Kahit anong kilos ko, boses ko, alam na alam niya.

“Bakit ka ba nakasama dito? Nung nakita ko nga si Kim, ay patay,” ang sabi ni Renz kay Billy Crawford, ang host ng The Masked Singer Pilipinas.

Malakas ang kutob ng televiewers na si Kris Lawrence ang nagtatago sa maskara ni 2-2-B pero hindi pa malalaman ang tunay na katauhan nito dahil mataas ang boto na nakuha nila nina Adarna at Pusaway.

Labindalawa ang singers na contestants sa The Masked Singer Pilipinas at ang ilan sa kanila ay may stage name na Diwata, Mariposa, Sea Reyna, Syokoy, Tikboy, at Valentino.

Tiyempung-tiyempo ang pagsisimula ng The Masked Singer Pilipinas dahil sa mga mang-aawit na nabigyan ng trabaho sa panahon ng coronavirus pandemic.

Bukod sa pagiging emcee ng The Masked Singer Pilipinas, si Billy ang co-host ng TV5 noontime show na Lunch Out Loud na marami rin ang natutulungan dahil mga mang-aawit din ang mga contender sa singing contest na "Kantrabahador."

Continue reading below ↓

Postscript. Masaya ang TV5 management dahil nararanasan na ng kanilang network ang mag-trending sa social media buhat nang magsimula ang blocktime programs nila gaya ng Sunday Noontime Live, Lunch Out Loud, at ang pinakahuli, ang The Masked Singer Pilipinas.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang episode ng The Masked Singer Pilipinas, eliminated ang masked singer na si Aspin na si Renz Verano pala.
PHOTO/S: The Masked Singer Pilipinas PR / Screenshot from The Masked Singer Pilipinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results