Rabiya Mateo, pinag-initan ng veteran beauty pageant candidates?

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2020
Sa kabila ng pagiging baguhan sa isang national beauty pageant, nadaig ni Rabiya Mateo ang mga beterana nang beauty pageant candidates sa Miss Universe Philippines 2020 nang makuha nito ang korona at titulo.

Nabahiran ng kontrobersya ang tagumpay ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Dahil ito sa mga patutsada ng natalong si Miss Taguig Sandra Lemonon sa kanyang Instagram Stories tungkol sa malaking balita na ilalabas niya.

“It’s time to be honest and speak facts,” ang may himig na pagbabanta ni Lemonon.

Biktima ng bashing si Sandra nang sumali siya sa Bb.Pilipinas noong 2018.

Hindi niya kasi nasagot ang tanong tungkol sa “Build Build Build” program ng Duterte government.

“The insights of the government's 'Build, Build, Build' program.

"Actually, I studied so much for this Q&A, but suddenly that's something that I really don't know much about. But, at least I'm here trying to answer a good question. Thank you!" ang sagot noon ni Lemonon.

Muling ginagamit na depensa ni Sandra ang kanyang honesty sa gagawin niyang pagsasalita tungkol sa panalo ni Mateo.

Pinararatangan si Mateo na lumabag umano sa isa sa ipinagbabawal na rules ng pageant.

Continue reading below ↓

Ito ay ang pagsasama ng hair and makeup artist sa ilang araw na pananatili nila sa Baguio City para sa preliminary competition at coronation night ng Miss Universe Philippines.

Isang eyewitness ang nagsabi na sa umpisa pa lang ng screening ng 2020 Miss Universe Philippines, tila mainit na kay Rabiya ang veteran beauty pageant candidates.

Dahil daw ito sa kanyang mga pahayag na “I am up for the challenge” kahit mga repeater o nanalo na sa ibang mga national beauty contest ang mga kalaban niya.

“But then, I am here. I am up for the challenge,” ang strong statement ni Rabiya na ngayon lamang sumali sa isang national beauty pageant pero nakuha niya ang much-coveted Miss Universe Philippines crown.

“Si Rabiya tahimik lang. Hindi nakikipag-socialize. Nasa isang sulok lang siya pero close sila ni Kim Chi Crizaldo, ang representative ng Iloilo Province at roommate niya sa Baguio Country Club," kuwento ng eyewitness.

Continue reading below ↓

Sa Baguio Country Club din ginawa ang Miss Universe Philippines coronation night noong Biyernes, October 23.

Nagkaroon ng viewing party sa Baguio Country Club ang mga kandidata habang ipinapalabas kaninang umaga sa GMA-7 ang pre-taped coronation night ng Miss Universe Philippines.

Pinatotohanan ng Cabinet Files source na hindi talaga alam ng Top 5 candidates ang nanalo kaya nakapagtataka ang pahayag ni Michele Gumabao na kagabi pa lang, alam na niya kung sino ang nagwagi.

Kaya nga raw hindi na ito dumalo ng viewing party.

Sa Instagram post ng nag-train sa kanyang Aces And Queens, ito ang ilang bahagi ng official statement niya (published as is):

"I left this morning sa BCC while the pageant was on going.

"I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks i couldnt handle that.

"I can handle defeat hahahaha I can't handle people asking me why why why...”

Continue reading below ↓

Si Michele ang tinanghal na second runner up sa beauty contest na sinalihan niya.

Palaisipan sa Miss Universe Philippines staff ang rebelasyon ni Michele.

Dahil wala talagang nakakaalam sa nanalo ng Miss Universe Philippines title and crown, maliban kina Miss Universe Philippines Organization (MUPO) National Director Shamcey Supsup at Creative Director Jonas Gaffud.

“Sina Jonas at Shamcey lang ang nakakaalam sa winner. Imposibleng nagkaroon ng leakage dahil yung mga girls, hindi nila alam ang resulta.

"Pagkatanggal nila sa contest, balik na sila sa rooms nila. Wala talagang audience," ang sabi ng Cabinet Files source tungkol sa well-kept secret kaya hindi nagkaroon ng leakage ng winner at mga runner up.

On the other hand, kapalaran talaga ni Rabiya na maging representative ng Pilipinas sa 69th Miss Universe dahil muntik na siyang hindi makasali sa 2020 Miss Universe Philippines.

Nagkaroon kasi ng conflict sa pagitan ng mga accredited partner ng MUPO pero naayos ang problema kaya nagkaroon ng representative ang Iloilo City (Rabiya) at ang Iloilo Province (Kim Chi Crizaldo).

Continue reading below ↓

Hindi lamang ang mga Pilipino na mahilig sa mga beauty contest ang tumutok sa coronation ng 2020 Miss Universe Philippines, dahil sinubaybayan din ito sa ibang panig ng mundo.

Ilang minuto matapos koronahan si Rabiya, naging follower agad ng kanyang Instagram account si Miss Universe Thailand Amanda Obdam na isa sa mga strong contender sa 69th Miss Universe at mahigpit na makakalaban ng Philippine delegate.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pagiging baguhan sa isang national beauty pageant, nadaig ni Rabiya Mateo ang mga beterana nang beauty pageant candidates sa Miss Universe Philippines 2020 nang makuha nito ang korona at titulo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results