Marco Gumabao to sister Michele: "Now is not the time to be bitter..."

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2020
Marco Gumabao and Michele Gumabao
Mensahe ni Marco Gumabao sa kapatid na si Michele: “I’m proud of you! Of course, I don’t agree with the decision, but now is not the time to be bitter about it. I know this is God’s plan. We’re just getting started.”
PHOTO/S: @gumabaomarco Instagram

Pitong oras na ang nakalilipas nang maglabas si Marco Gumabao sa kanyang Instagram Stories ng reaksyon tungkol sa resulta ng Miss Universe Philippines 2020.

Sumali rito ang kanyang kapatid na volleyball star, television host, at 2018 Bb. Pilipinas-Globe na si Michele Gumabao.

Ang makuha ang Miss Universe Philippines crown ang pinakaaasam-asam ni Michele, pero nabigo ito.

Second runner-up lamang ang naging puwesto nito.

Hindi dumalo si Michele sa viewing party na ginanap nitong Linggo ng umaga, October 25, sa Baguio Country Club, Baguio City.

“I left this morning sa bcc while the pageant was on going," pahayag nito sa official statement na na-post sa Instagram account ng beauty pageant training camp na Aces And Queens.

"I knew who won last night pa I tried to go to our viewing party but everyone kept asking what happened all the hugs all the looks i couldnt handle that.

"I can handle defeat hahahaha I can't handle people asking me why why why... "I'm sharing this with you because you deserve to know my side, we don't need to defend to anyone. I did my very best and I have no regrets," paliwanag ni Michele tungkol sa hindi niya pagsipot sa viewing party at sa presentation ng winner at mga runner up.

Continue reading below ↓

michele gumabao statement via aces & queens instagram.

Ipinakita naman ni Marco ang suporta niya kay Michele sa pamamagitan ng isang statement sa kanyang Instagram Stories.

Aniya, “I’m proud of you! Of course, I don’t agree with the decision, but now is not the time to be bitter about it.

"I know this is God’s plan. We’re just getting started."

Continue reading below ↓

Marco Gumabao's post about sister Michele Gumabao.

Marami ang nagpahayag ng pagtataka sa hindi pagdalo ni Michele sa viewing party ng Miss Universe Philippines 2020 habang ipinapalabas sa GMA-7 ang pre-recorded event.

Hindi sila makapaniwalang bilang isang sikat na atleta, tila nawalan kay Michele ang sportsmanship dahil sa desisyon niyang huwag nang magpakita sa viewing party at presentation ng winners.

Continue reading below ↓

“International” na ang level ni Marco dahil ang Ministry Beauty Pageant Thailand ang isa sa mga unang naglabas ng balita tungkol sa kanyang Instagram entry at ng “hurt” na diumano’y naramdaman ni Michele nang hindi nito makuha ang 2020 Miss Universe Philippines crown, kahit malinaw na sinabi ng former beauty queen na wala itong nararamdamang pagsisisi.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mensahe ni Marco Gumabao sa kapatid na si Michele: “I’m proud of you! Of course, I don’t agree with the decision, but now is not the time to be bitter about it. I know this is God’s plan. We’re just getting started.”
PHOTO/S: @gumabaomarco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results