Rabiya Mateo, naging emosyunal sa pagsagot sa paratang laban sa kanya

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2020
Rabiya Mateo emotional
"I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” paliwanag ni Miss Universe Philippines 2020 winner Rabiya Mateo na nasaktan sa mga paratang laban sa kanya.
PHOTO/S: Courtesy of MJ Marfori

Naging emosyonal si newly crowned Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ng TV5.

Ito'y dahil sa mga akusasyong ibinibintang laban sa kanya ng mga kapwa niya kandidata.

Ito ang unang pagkakataong nagsalita si Rabiya matapos ipalabas sa GMA-7 nitong Linggo ng umaga ang pre-taped coronation night ng Miss Universe Philippines 2020.

Naganap ang coronation night noong Biyernes, October 23, sa Cordillera Convention Hall ng Baguio Country Club, Baguio City.

Sa interbyu ni MJ kay Rabiya, sinagot nito ang ilan sa mga isyung ibinabato sa kanya, ilang oras matapos ang viewing party at ang presentation sa mga nanalo.

“To be honest po, maybe I wasn’t a frontrunner so people didn’t expect me to win and now that I have the crown...

“I’m sorry I’m being emotional. They’re questioning my capability as a person, as a candidate… but I know that I did everything and anything that I could during that night and ibinigay ko talaga.

Continue reading below ↓

“And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin.

"I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” paliwanag ni Rabiya.

Nasaktan si Rabiya sa mga paratang laban sa kanya. Gayunpaman, hindi siya nagpatinag at nagbitaw ng mga salitang posibleng ikagalit na naman ng detractors niya.

“Of course it was painful because there are things na you can settle by talking with each other.

"At the end of the day, this is a competition and being the bigger person in the picture, I need to understand where they are coming from,” makahulugang pahayag ni Rabiya.

Sa kabila ng mga paratang, may mga nagsasabi namang wala nang dapat ipag-alala si Rabiya dahil mas marami ang naniniwalang siya talaga ang karapat-dapat ipadala ng Pilipinas sa 69th Miss Universe.

Isang physical therapy lecturer si Rabiya sa Iloilo City, at ang Miss Universe Philippines 2020 ang unang national beauty pageant na kanyang sinalihan.

Continue reading below ↓

Cum laude graduate si Rabiya ng Bachelor of Science degree in Physical Therapy mula sa Iloilo Doctor’s College, na ipinagbubunyi ang kanyang tagumpay.

“A phenomenal woman with a heartfelt beauty. Congratulations to our Queen Rabiya Mateo! Your Iloilo Doctors' College-College of Physical Therapy Family is proud of you!” ang pagbati kay Rabiya na naka-post sa official Facebook page ng kolehiyo na pinanggalingan niya.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” paliwanag ni Miss Universe Philippines 2020 winner Rabiya Mateo na nasaktan sa mga paratang laban sa kanya.
PHOTO/S: Courtesy of MJ Marfori
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results