Mystery singer ng Eat Bulaga, pantapat sa "Hide and Sing" ng It's Showtime? Naaalala mo pa ba si Mystery Boy?

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2020
(Kaliwa) Hinarana ng mystery singer ang choices sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, October 26; (kanan) si Paul John ay unang ipinakilala bilang Mystery Boy sa dating morning show ni Kuya Germs sa GMA-7 na Good Morning Show.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Nakatalikod sa TV camera at madilim ang paligid habang kumakanta at tumutugtog, gamit ang electronic keyboard piano, ang mystery male singer sa Monday episode ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! kaya nahirapan ang televiewers na hulaan ang pagkakakilanlan niya.

Ang mystery singer ang umawit sa mga paboritong kanta ng female "Bawal Judgmental" choices at ng kanilang mga karelasyong maagang binawian ng buhay.

Hindi sinabi ng Eat Bulaga! hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo ang relevance ng mystery singer sa "Bawal Judgmental."

Pero may kutob ang manonood na ang unidentified performer ang pantapat ng programa nila sa "Hide and Sing," isa sa mga segment sa kasalukuyan ng It’s Showtime na malaki naman ang pagkakatulad sa concept ng The Masked Singer Pilipinas ng TV5.

Noong Sabado, October 24, ang pilot episode ng The Masked Singer Pilipinas.

May mga mangmang na nag-akusang ginaya nito ang "Hide and Sing" ng It’s Showtime, dahil hindi nila alam na ang Philippine franchise ng reality singing competition na nagmula sa South Korea ang original.

Continue reading below ↓


It's Showtime's Hide And Sing

Mahusay lang talagang manggaya at mag-tweak ng concept ang creative staff ng It’s Showtime kaya nagagawa nilang palabasing original ang kanilang mga segment tulad ng "Hide and Sing" at "Guess List," na malaki naman ang pagkakahawig sa format ng "Pinoy Henyo" ng Eat Bulaga.

MYSTERY SINGER

Pero kung tutuusin, hindi bago sa Pilipinas ang konsepto ng mga mystery singer dahil nangyari na ito noong 1934.

Continue reading below ↓

Ang Filipino-American na si Cecil Lloyd (1910-1988) ang Mystery Singer sa radio KZRM noong 1934.

Sumikat si Lloyd dahil maliban sa kanyang ginintuang tinig, walang nakakaalam noon sa kanyang tunay na pagkatao, na inamin din niya eventually.

Isang abogado si Lloyd. Siya ang kinikilalang Father of the Philippine Recording Industry dahil sa pagtatatag niya sa kauna-unahan ng Filipino-owned record company, ang Philippine Recording System.


Continue reading below ↓

Cecil Lloyd

Si Lloyd ang inspirasyon ni German Moreno sa pag-build up nito kay Mystery Boy, ang young singer na mainstay noon ng Good Morning Show na may suot na maskara habang kumakanta.

Ang Good Morning Show ang dating pang-umagang programa ni Kuya Germs sa GMA-7.

Makalipas ang apat na buwan, ipinakilala ni Kuya Germs si Mystery Boy bilang si Paul John.

Kaya bago pa man nagkaroon ng Masked Singer ang South Korea, nauna na ang Pilipinas dahil sa idea ni Moreno.

MYSTERY BOY

Ngayong gabi, October 26, sa pamamagitan ng tulong ni Federico Moreno, ang anak ni Kuya Germs, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap sa telepono si Paul John, ang Mystery Boy noon ng Philippine television.

Fourteen years old si Paul John (Paul John De Guia ng Dumaguete) noong 1988 nang dalhin siya kay Kuya Germs sa Broadway studio ng That’s Entertainment.

Malinaw na natatandaan ni Paul John na kumakain si Kuya Germs nang kantahin niya bilang audition piece ang “I Can’t Stop Loving You” ni Michael Jackson.

Continue reading below ↓

Biglang huminto si Kuya Germs sa pagkain nang marinig niya ang boses ni Paul John. Sinabihan siya nito na, “Mula ngayon, ikaw na si Mystery Boy at may taping ka na ngayong gabi.”

Ala-siete ng gabi nang mag-audition si Paul John, at 9 p.m., nag-taping na siya, suot ang maskarang mabilis na ipinagawa ni Kuya Germs.

Sandali lamang ang Mystery Boy stint ni Paul John dahil isang nosy reporter ang naglabas sa diyaryo ng kanyang tunay na pangalan at litrato na walang suot na maskara.

Bago nag-audition si Paul John kay Kuya Germs, nagkaroon siya ng pictorial sa isang photo studio sa Broadway Centrum. Dito nadiskubre ng reporter ang litrato niya.

Ayon kay Paul John, nagalit nang husto si Kuya Germs sa ginawa ng reporter na dahilan kaya inilantad na rin sa publiko ang kanyang tunay na pagkatao at ginawa siyang mainstay ng That’s Entertainment mula 1988 hanggang 1992.

Noong 1992, nagpasya si Paul John na mag-migrate sa Switzerland na naging tahanan niya hanggang magdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas noong 2015.

Continue reading below ↓

“I have three kids, ipinanganak sila lahat sa Switzerland. Nandito na sila sa Pilipinas dahil ‘yon ang balak ko, dito na sila mamuhay,” sabi ni Paul John.

Isa nang businessman ngayon si Paul John. Wala na siyang balak balikan pa ang showbiz dahil kuntento na raw siya sa kanyang private life.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Hinarana ng mystery singer ang choices sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, October 26; (kanan) si Paul John ay unang ipinakilala bilang Mystery Boy sa dating morning show ni Kuya Germs sa GMA-7 na Good Morning Show.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results