Sheree, inaming nakatanggap noon ng indecent proposals ang Viva Hot Babes

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2020
Nagpasikat ng kantang Bulaklak noong 2003, nagkita-kita ang ilan sa miyembro ng Viva Hot Babes, kabilang sina (L-R) Gwen Garci, JC Parker, Sheree, Maui Taylor, Katya Santos, Zara Lopez, at Andrea del Rosario.
PHOTO/S: @shereeb420 Instagram

Kung kailan may coronavirus pandemic, saka nagkaroon ng reunion ang ilan sa mga miyembro ng Viva Hot Babes.

Kabilang dito sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, Andrea del Rosario, JC Parker, Zara Lopez, at Sheree.

May kinalaman sa magbubukas na YouTube Channel ng Viva Hot Babes, na nabuo noong 2003, ang muling pagsasama-sama ng mga sexy actress na nasa likod ng hit songs na "Bulaklak" at "Kikay."


Continue reading below ↓

Ang pagtatapat ng isang miyembro na nagpositibo siya sa COVID-19 ang isang aabangan sa pilot episode ng YouTube Channel ng Viva Hot Babes.

Ayon kay Sheree, magkakaroon din daw sila ng "individual Youtube channel collaborations."

Si Sheree ay kilalang Cherry Hazel Sweet Faye Vidal Bautista sa tunay na buhay.

Hindi ipinagkaila ni Sheree na nakatanggap sila noon ng mga indencent proposal dahil sa sexy image ng Viva Hot Babes.

Aniya, "Normal lang naman sa work namin ang mga indecent proposal, pero thankful ako sa Viva Hot Babes dahil ito ang naging daan para makilala ako sa showbiz industry."

Hindi naman idinetalye kung paano niya hinaharap noon ang ganoong sitwasyon.

Tumatanaw si Sheree ng malaking utang na loob sa grupo nila dahil ito ang naging instrumento para matupad ang kanyang mga pangarap maging singer at aktres.

Karamihan sa mga teleseryeng kinabilangan niya ay nasa GMA-7. Noong 2017, lumabas siya sa Kambal, Karibal; Encantadia; at Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Continue reading below ↓

Sa ABS-CBN, napanood siya sa Kadenang Ginto (2018-2019) at Imortal (2010-2011).

Sa ngayon, tiniyak ni Sheree na magtutuloy-tuloy na ang pagiging aktibo ng kanilang grupo dahil sa mga vlog collaboration nila.

WHERE ARE THE OTHER VIVA HOT BABES?

Sina Jen Rosendahl, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, at Myles Hernandez ang ibang original members ng Viva Hot Babes.

Mainstay si Jen ng sitcom na Kapuso sitcom na Pepito Manaloto, pero hindi siya kasama sa reunion ng grupo nila.

Cebu-based na si Hazel, habang naninirahan naman si Myles sa Canada.

Walang balita ang Viva Hot Babes tungkol sa kinaroroonan ni Kristine.

Ang original members ng Viva Hot Babes ang special guests sa PEP Live! episode sa November 5, 2020.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpasikat ng kantang Bulaklak noong 2003, nagkita-kita ang ilan sa miyembro ng Viva Hot Babes, kabilang sina (L-R) Gwen Garci, JC Parker, Sheree, Maui Taylor, Katya Santos, Zara Lopez, at Andrea del Rosario.
PHOTO/S: @shereeb420 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results