Maine Mendoza, nasorpresa nang malamang si AJ Perez ang donor ng cornea ng isang "Bawal Judgmental" choice

by Jojo Gabinete
Oct 27, 2020
Kitang-kita sa mukha ni Maine Mendoza (kaliwa) ang pagkasorpresa nang malamang ang yumaong aktor na si AJ Perez (gitna) ang donor ng cornea ng "Bawal Judgmental" choice na si John Daniel delos Santos (kanan). Organ recipients ang choices na pinagpilian ng celebrity contestant na si Tim Yap sa episode ng "Bawal Judgmental" ngayong October 27, Martes.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Candy Magazine

Nasorpresa nang husto ang nagrehistro sa mukha ni Maine Mendoza nang malaman nitong ang pumanaw na aktor na si AJ Perez ang donor ng cornea ng isa sa pitong choices sa Tuesday (October 27) episode ng "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

Tungkol sa choices na naging organ recipient ang pinahulaan sa "Bawal Judgmental" sa celebrity contestant na si Tim Yap.

Kabilang sa mga naimbitahan ng Eat Bulaga! si John Daniel delos Santos, ang 17-year-old resident ng Balic-Balic, Manila.

Sandaling natigilan si Maine nang marinig nito ang pangalan ni AJ matapos magtanong kung nakilala ni Daniel ang cornea donor niya.


Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Daniel na nagkaroon ng problema sa kanyang mata noong bagong silang pa lamang siya.

"Nung one and a half months old daw po ako nung baby, nagkasugat po ako sa mata, 'tapos hindi po alam kung ano yung cause po nun.

"Siguro daw po alikabok daw po 'tapos nakusot ko, or baka daw po nakalmot ko ng kuko ko,” salaysay niya.

Sumailalim si Daniel sa operasyon noong walong taong gulang siya.

"Eight years old po ako noong inoperahan. Bale, yung sa cornea po, nagkaroon ng puti sa gitna po kaya po napakasobrang labo po.

"Aninag lang po yung nakikita ko, isang mata lang po yung gumagana sa akin kaya po nahihirapan po ako.

"Kapag nagbabasa po, sumasakit yung ulo."

Inoperahan sa mata si Daniel sa araw ng libing kay AJ noong April 26, 2011 sa Manila Memorial Park, Parañaque City.

Binawian ng buhay si AJ sa edad na 18 noong April 17, 2011 dahil sa vehicular accident na nangyari sa Moncada, Tarlac.

Continue reading below ↓

Nagpasya ang kanyang mga magulang na sina Gerry at Marivic Perez na ibigay sa EyeBank Foundation of the Philippines ang mga cornea niya para pakinabangan ito ng mga nangangailangan.

Si Daniel, na 8 years old noon, at ang then 28-year old na si Lawrence Villanueva ang mapapalad na tumanggap sa mga cornea ni AJ.

"Sa parents po ni Kuya AJ, saka sa kanya po mismo, maraming-maraming salamat po kasi napakalaking tulong po sa akin nung cornea niya po.

"Habambuhay po na pasasalamat sa kanila po dahil malaking tulong po ito hanggang paglaki ko," pahayag ni Daniel nang hingan siya ni Maine ng pasasalamat para isang bahagi ng katawan ni AJ.

Siyam na taon nang namamayapa si AJ, pero nananatili siyang buhay dahil sa cornea niyang ipinagkaloob kay Daniel ng kanyang mga magulang.

Walong taon pa lamang ang edad ni Daniel nang lumabas siya noon sa isang programa ng ABS-CBN para magpasalamat kay AJ at sa pamilya nito.

Continue reading below ↓


Eight-year-old Daniel delos Santos with AJ Perez's parents

Ang guesting ngayon ni Daniel sa Eat Bulaga! ang unang pagkakataong nasilayan ng publiko na binata na ang recipient ng cornea ni AJ.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitang-kita sa mukha ni Maine Mendoza (kaliwa) ang pagkasorpresa nang malamang ang yumaong aktor na si AJ Perez (gitna) ang donor ng cornea ng "Bawal Judgmental" choice na si John Daniel delos Santos (kanan). Organ recipients ang choices na pinagpilian ng celebrity contestant na si Tim Yap sa episode ng "Bawal Judgmental" ngayong October 27, Martes.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Candy Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results