Raffy Tulfo, tutulungan si Super Tekla makuha ang custody ng anak mula sa live-in partner

by Jojo Gabinete
Oct 27, 2020
Raffy Tulfo (left) to Michelle Bana-ag (center), Super Tekla's (right) live-in partner: "Kahit umiyak ka ng dugo, wala na akong pakialam kasi huling-huli ka na. Hindi mo na ako madadala sa iyakan."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Gagawin ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang kanyang makakaya para makuha ni Super Tekla ang custody ni Angelo, ang anak nila ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Idineklara ni Tulfo sa Raffy Tulfo in Action, noong October 27, sa Tuesday edition ng kanyang radio program, na tinatapos na niya ang pagtulong kay Michelle.

Kumbinsido raw siyang gumagamit pa rin ng ipinagbabawal na gamot si Michelle, ang karelasyon ni Super Tekla, na Romeo Librada sa tunay na buhay.

Humagulgol nang iyak si Michelle nang sabihin ni Raffy ang gagawin nitong paglapit sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makuha ang custody ng apat-na-buwang sanggol na anak nila ni Tekla at ng kanyang mga pamangkin.

"Nagisa ka sa sarili mong mantika. So, Michelle, ni singkong duling, wala akong ibibigay na tulong sa 'yo.

"At yung mga bata, mga pamangkin mo, partida ‘to, ipatatanggal ko sa kustodiya mo.

Continue reading below ↓

"Tatawagan ko yung DSWD para i-assess. Eventually, matatanggal ‘yan sa 'yo," mariing salita ni Tulfo.

“Yung sa anak mo, ipatatanggal ko rin dahil gagawa ng assessment ang DSWD, lilitaw na gumagamit ka pa rin, at ‘yan [anak] ay ibibigay kay Tekla."

Patuloy ni Raffy, “No! No! Kahit umiyak ka ng dugo, wala na akong pakialam kasi huling-huli ka na. Hindi mo na ako madadala sa iyakan.

"Yun lang ang naging susi. Nabuksan yung mga itinatago mong kalokohan. Pandora’s box, ika nga.

"Wala na. Wala na. Kita mo ‘yan? Kasi, hamon ka nang hamon. Pinatulan ko yung hamon mo, hamon pa more!

"Ngayon, pati anak mo, mawawala sa 'yo dahil ipapa-transfer ko ‘yan kay Tekla.

"Sapagkat nakikita ko, mukhang hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng bata sapagkat gumagamit ka pa rin.

“Why? Dahil takot kang magpa-drug test! Meaning, you’re still using," kalmado pero galit na pahayag ni Tulfo.

Tumanggi ang broadcaster na kausapin ang kapatid ni Michelle na nais magpaliwanag.

Hindi naman maintindihan kung bakit binantaaan pa ni Tulfo itong "ipapatokhang," gayo't ang kasalukuyang pakahulugan ng terminong iyon ay "ipapapatay."

Continue reading below ↓

"No, ayokong makausap yung mataba mong kapatid. Wala siyang pakialam dito.

"Pati yung kapatid mo, mamaya ipapatokhang ko pa ‘yang kapatid mo. Siguro lahat kayo diyan, magkakapatid, sama-sama naggu-good time!"

DRUG TEST

Nagalit si Tulfo kay Michelle dahil ito ang unang naghamon ng drug test para patunayang hindi na siya gumagamit ng bawal na gamot.

Pero nang kausapin na siya ng staff ni Tulfo para sa pinaplanong drug test, may hindi kapani-paniwalang alibi si Michelle.

Ang excuse ni Michelle ay pinayuhan daw siya ng kanyang tiya na huwag ipagalaw ang kanyang buhok.

Apat na buwan pa lang umano ang nakalilipas buhat nang isilang niya ang anak nila ni Tekla kaya baka mabinat siya.

Hindi pinaniwalaan ni Tulfo ang katwiran ni Michelle.

Sabi ng broadcaster, "Very clear na sa akin, this is now an indication to me na meron ka talagang itinatago.

"You’re lying, kasi alam mo, kapag sa urine, kaya mong iwasan.

Continue reading below ↓

"Dito kasi [sa buhok], after 90 days, malalaman kung gumagamit ka pa o hindi."

MICHELLE'S "STORY"

Noong Oktubre 20, lumapit si Michelle kay Tulfo para ireklamo si Super Tekla, isang tumatanyag na komedyante at TV host, ng hindi pagbibigay ng sustento sa kanya, sa anak nila, at sa mga kamag-anak ni Michelle na kasama nila sa bahay.

Kasama rito ang hindi raw pagbigay ng perang pambili ng pangkain man lamang sa tuwing hindi niya pinagbibigyang makisiping ang komedyante.

Mas malala pa, may mga tatlong beses daw na ipinagpilitan ng komedyante ang sarili sa kanya.

Tumanggap si Super Tekla ng maraming batikos mula sa netizens dahil sa mga reklamo ni Michelle.

Nagbago lang ang ihip ng hangin nang magsalita ang komedyante at ipinagtanggol ito ng mga kaibigang naglahad ng kaibang kuwento.

Aral din kay Tulfo ang nangyari dahil muntik na siyang igisa ni Michelle, ayon na rin sa lenguwaheng gamit ng broadcaster, "sa sariling mantika."

Continue reading below ↓

Sa susunod, dapat maging mas maingat si Tulfo at ang kanyang staff sa pagpili ng mga taong tutulungan para hindi na maulit ang ginawa ni Michelle at hindi makasira sa pangalan ng may pangalan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo (left) to Michelle Bana-ag (center), Super Tekla's (right) live-in partner: "Kahit umiyak ka ng dugo, wala na akong pakialam kasi huling-huli ka na. Hindi mo na ako madadala sa iyakan."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results