Kaputol, napiling kalahok sa 4th Innuendo International Film Festival sa Milan, Italy

by Jojo Gabinete
Oct 28, 2020
Tampok sa Kaputol (Fragments) sina Cherie Gil, Alfred Vargas, at Angl Aquino. Ang pelikula ay idinirek ni McArthur Alejandre.
PHOTO/S: Screengrab from Kaputol trailer

Official entry sa 4th Innuendo International Film Festival sa Milan, Italy ang Kaputol, ang pelikulang may international title na Fragments.

Lead actors dito sina Alfred Vargas, Angel Aquino, at Cherie Gil.

Si McArthur Alejandre ang direktor ng Kaputol, at siya rin ang nagbalita tungkol sa pagkakapili sa kanyang pelikula bilang opisyal na kalahok sa nabanggit na international film festival.

Nag-umpisa ang 4th Innuendo International Film Festival kahapon, October 27, at matatapos sa October 30, 2020.

"Very organized sila," sabi ni Alejandre nang ibalita niya sa Cabinet Files ang partisipasyon ng Kaputol sa 4th Innuendo International Film Festival.

Kahit nasa Pilipinas siya, mapapanood ni Alejandre via online ang lahat ng mga pelikulang kasali at ang activities ng filmfest dahil ipinadala sa kanya ng organizers ang password.

Imbitado si Alejandre sa naturang okasyon pero hindi siya nakapunta dahil sa coronavirus pandemic.

Official entry rin ang Kaputol sa 2020 Asian Film Festival sa Rome, Italy noong August 2020.

Continue reading below ↓

May plane ticket na si Alejandre pero hindi natuloy ang biyahe niya dahil pa rin banta ng COVID-19 pandemic.

Masayang ibinahagi ng direktor na ang Innuendo International Film Festival ang ikatlong international film festival ng Kaputol.

Una itong nakasali sa 2020 Bengalore International Film Festival ng India (February 26 to March 4, 2020), at pangalawa sa Asian International Film Festival ng Rome.

Ang Kaputol ang unang indie movie project ni Alejandre na isang movie within a movie ang konsepto. Magkapatid na may mga pinagdaraanan ang mga personal na buhay ang mga karakter na ginagampanan nina Alfred at Cherie.

Tinalakay rin sa Kaputol ang mga desaparacido, ang mga taong biglang nawala at pinaghihinaalang dinukot at pinaslang ng mga militar.

Ang award-winning director na si Lav Diaz ang isa sa mga cinematographer ng Kaputol, na tinatampukan din nina Ronwaldo Martin, Joel Saracho, Soliman Cruz, Upeng Galang Fernandez, Adrienne Vergara, at Elora Españo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sa Kaputol (Fragments) sina Cherie Gil, Alfred Vargas, at Angl Aquino. Ang pelikula ay idinirek ni McArthur Alejandre.
PHOTO/S: Screengrab from Kaputol trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results