Vice Ganda, napilitang mag-ahit ng kilay on national television

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2020
Bilang "funishment" sa "Mas Testing" segment ng It's Showtime, inahit ni Vice Ganda ang kaliwang kilay niya on national television. Si Vice ang naglaro sa popular segment ng Kapamilya noontime show bilang bahagi ng kanilang 11th anniversary celebration.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Sa kabila ng mahigpit na pagtutol, inahit ni Vice Ganda ang kaliwang kilay niya sa "Mas Testing" segment ng It’s Showtime ngayong Biyernes, October 30.

Dahil dito ay nag-trending kaagad sa Twitter si Vice.

Si Vice ang contestant o Tumpak Tracer sa "Mas Testing," at ang pag-aahit ng kilay ang unang "funishment" o parusa sa kanya dahil hindi niya nahulaan kung sino kina MC Calaquian at Lassy Marquez ang may pinaka-bitter na hitsura pagkatapos uminom ng ampalaya juice.

Kahit mabigat sa kalooban, ginawa ni Vice ang "funishment"—ang pag-aahit ng kilay niya on national television, gamit ang pink razor na inabot ng kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Bago nagsimula ang mga challenge sa "Mas Testing," nagsalita si Vice na magbibigay siya ng isang milyong piso kapag hindi siya nagkamali sa mga sagot niya.

Pero hindi ito nangyari dahil pinagkaisahan siya ng kanyang mga co-host na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Kim Chiu.

Continue reading below ↓

Napilitan din si Vice na magbigay ng P110,000 para sa lucky viewer ng It’s Showtime dahil hindi niya nabentahan ng halaman ang ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.

Ang paglalaro ni Vice sa "Mas Testing" ang isa sa mga highlight ng 11th anniversary sa telebisyon ng It’s Showtime.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang "funishment" sa "Mas Testing" segment ng It's Showtime, inahit ni Vice Ganda ang kaliwang kilay niya on national television. Si Vice ang naglaro sa popular segment ng Kapamilya noontime show bilang bahagi ng kanilang 11th anniversary celebration.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results