Benjie Paras, ikinuwento ang engkuwentro sa multo sa Baguio City

Ghost Adventures, idea at concept ni Benjie Paras.
by Jojo Gabinete
Oct 30, 2020
Benjie Paras: "Yung P.A. namin na may third eye, lumapit sa akin. Tinabihan lang ako, sabi sa akin, 'Nakapaldang puti kuya, 'no? 'Tapos mahaba yung buhok, nakapameywang?' Sabi ko, 'Nasaan siya?' 'Nakatingin pa rin sa 'yo.'"

Naniniwala si Benjie Paras sa multo dahil sa kanyang personal na karanasan sa taping noon sa Baguio City ng isang TV sitcom na tinatampukan niya.

Ikinuwento ni Benjie na nangyari ang insidente sa set ng sitcom na malapit sa Hyatt Terraces, ang hotel sa Baguio City na gumuho dahil sa malakas na lindol noong July 16, 1990.

Ayon kay Benjie, nakakaramdam siya sa presence ng multo at naganap nga ito sa Baguio City.

“Yung first kita ko [ng multo] is when we were doing this comedy show in Baguio. Nandoon kami sa isang eksena na malapit sa Hyatt Hotel.

"May bahay doon, ang ingay namin, nagkukulitan. Yung veranda sa isang bahay, yung babae nakatingin sa akin, nakapameywang, parang galit.

"So, niloko ko pa nga. Sabi ko, 'Huy, sali ka sa amin. Talon ka, sasaluhin kita.'

"Mamayang konti, lumapit sa akin yung parang caretaker ng kabilang bahay.

"Sabi niya sa akin, ‘Kuya, sino po ang kinakausap niyo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Yung babae sa balcony.'

"Sabi niya, ‘Wala na pong nakatira diyan, matagal na. Abandoned na ‘yan.’

"Pagbalik ng tingin ko, kulay itim na yung bahay, wala na yung ilaw, as in hindi ako makagalaw.

"Yung P.A. namin na may third eye, lumapit sa akin. Tinabihan lang ako, sabi sa akin, 'Nakapaldang puti kuya, 'no? 'Tapos mahaba yung buhok, nakapameywang?'

"Sabi ko, 'Nasaan siya?' 'Nakatingin pa rin sa 'yo.'

"Mula noon, tahimik na ako, the whole time na nagte-taping kami. Hindi na ako maingay," kuwento ni Benjie tungkol sa unang pagkakataong nagkaroon siya ng engkuwentro sa multo.

Kahit nakakaramdan at may ghost experience siya, hindi ito naging dahilan para matakot si Benjie na gampanan ang karakter ng isang ghost whisperer sa Ghost Adventures, ang sitcom na mapapanood sa TV5 simula bukas, October 31, 6 p.m. to 7 p.m.

Idea at concept ni Benjie ang kuwento ng Ghost Adventures na dating napapanood sa Sari-Sari Channel ng Cignal TV noong nakaraang taon bago ito inilipat sa prime time slot ng TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ginawa ang unang Ghost Adventures noong 2018. Nagbigay ako ng concept 'tapos inayos namin ang script.

"And then, first day pa lang, sinabi ko sa writers may naisip na ako na Part 2," paglalahad ni Benjie tungkol sa kasaysayan ng unang season ng Ghost Adventures.

Sa ikalawang season ng Ghost Adventures, idinagdag sa cast si Empoy Marquez. Para kay Benjie, perfect ang komedyante sa role na grim reaper.

Bukas pa lamang mapapanood sa Kapatid Network ang umpisa ng Season 2 ng Ghost Adventures, pero may concept nang naisip si Benjie para sa Part 3 ng sitcom na brainchild niya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjie Paras: "Yung P.A. namin na may third eye, lumapit sa akin. Tinabihan lang ako, sabi sa akin, 'Nakapaldang puti kuya, 'no? 'Tapos mahaba yung buhok, nakapameywang?' Sabi ko, 'Nasaan siya?' 'Nakatingin pa rin sa 'yo.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results