Department of Transportation official, sinagot ang tweet ni Angelica Panganiban

by Jojo Gabinete
Nov 2, 2020
Department of Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran (left) to actress Angelica Panganiban (right): "Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying."
PHOTO/S: Instagram / Kim Chiu

Walang binanggit na pangalan si Angelica Panganiban sa cryptic post niyang ito sa Twitter kahapon, November 1:

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos Kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino...”

Pero umani ito ng mga batikos mula sa mga supporters ni President Rodrigo Duterte na kumbinsidong ang Pangulo ang pinatatamaan ng aktres.

Continue reading below ↓

Isa si Department of Transporation (DOTr) Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran sa mga nag-repost sa kanyang Facebook ng screenshot ng Twitter post ni Angelica.

Nagbigay rin ng paliwanag ang government official.

Mensahe ni Asec. Libiran kay Angelica, "Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog.

"Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan?

"BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying.

"Hindi po ako galit. Puyat lang."

Nilagyan pa ito ni Asec. Libiran ng smile at peace emojis.

Continue reading below ↓

Bago pa naglabas si Angelica ng cryptic post sa kanyang Twitter account, nauna na si Libiran sa mga posting nito sa Facebook at Instagram ng mga update tungkol sa pananalasa ni Super Typhoon Rolly sa Bicol Region, at ang aksyong ginagawa ng iba’t ibang mga sangay ng gobyerno para matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad.

Continue reading below ↓

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran (left) to actress Angelica Panganiban (right): "Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying."
PHOTO/S: Instagram / Kim Chiu
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results