Marvin Agustin, biglang umatras sa project nila ni Jolina Magdangal

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2020
Ikinagulat ng mga nasa likod ng iWant TFC project na Ho! Love You! ang last-minute decision ni Marvin Agustin na umatras sa proyektong pagsasamahan sana nila ni Jolina Magdangal.
PHOTO/S: Instagram

Hoy! Love You! ang pamagat ng iWant TFC project nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Lock-in shoot ang mangyayari bilang pagsunod sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force On Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na health and safety protocols laban sa COVID-19 pandemic.

Pero nagkaroon ng problema ang production dahil sa diumano’y hindi pa malamang dahilang last-minute decision ni Marvin na huwag nang gawin ang project.

Ikinagulat ng lahat ang pasya ni Marvin dahil matagal na niyang tinanggap ang Hoy! Love You! at kung kailan malapit na ang taping, saka pa siya umayaw.

Naghahanap pa ang production ng aktor na ipapalit kay Marvin bilang leading man ni Jolina sa Hoy! Love You! na tatampukan din nina Dominic Ochoa, Winnie Cordero, at Pepe Herrera.

Hindi lamang ang pagkawala ni Marvin sa cast ang naging problema ng production staff dahil nagkaroon din ng aberya sa set na gagamitin nila.

Kukunan ang mga eksena ng Hoy! Love You! sa isang beach resort sa Lobo, Batangas.

Continue reading below ↓

Naperhuwisyo ang beach ng katatapos na Super Typhoon Rolly kaya ipagagawa pa ang structure na nasira ng malakas na bagyo.

Nagpadala ng mensahe ang Cabinet Files kay Marvin para sa kanyang panig, pero at press time ay hindi pa siya sumasagot.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat ng mga nasa likod ng iWant TFC project na Ho! Love You! ang last-minute decision ni Marvin Agustin na umatras sa proyektong pagsasamahan sana nila ni Jolina Magdangal.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results