Wowowin: Tutok To Win ni Willie Revillame, balik sa GMA Studio tuwing Biyernes

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2020
Willie Revillame on visiting GMA Studio 6 for the first time after seven months: Pagpasok ko, bakante ang studio, bakante lahat. Tahimik. Yung mga ilaw, walang kinang. Yung LED, walang ilaw. Yung mga speaker, walang tunog. Yung mikropono ko doon, wala."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Simula sa darating na Biyernes, November 6, live nang mapapanood sa Studio 6 ng GMA Network ang game show ni Willie Revillame na Wowowin: Tutok to Win.

Sa pakikipag-usap namin kay Willie nitong Miyerkules ng hapon, November 4, kinumpirma niya ang pagbabalik ng kanyang show sa GMA-7 studio.

Pero tuwing Biyernes lamang ito dahil mula Lunes hanggang Huwebes, mapapanood pa rin ang Wowowin mula sa penthouse ng Wil Tower Mall.

Ayon kay Willie, "Meron nang live band para sa guest singer namin sa 'Instajam' at siyempre, meron pa rin akong mga tatawagan para bigyan ng cash prizes mula sa sponsors ng show.

"Pakibalita na lang na Monday to Thursday, sa Wil Tower Mall ang live show namin. At tuwing Friday, sa Wowowin studio sa GMA-7."

Hindi inilihim ni Willie na napaluha siya nang muling yumapak sa Studio 6 ng Wowowin, na pitong buwan niyang hindi nakita.

"Maluha-luha ako. Pagpasok ko, bakante ang studio, bakante lahat. Tahimik.

Continue reading below ↓

"Yung mga ilaw, walang kinang. Yung LED, walang ilaw.

"Yung mga speaker, walang tunog. Yung mikropono ko doon, wala," pahayag ni Willie.

Matindi ang nararamdamang pangungulila ni Willie sa live studio audience ng Wowowin, na sinuspinde ang telecast noong March 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Noong April 13, 2020, nag-resume ang live telecast ng Wowowin. Pero napanood ito mula sa Wil Tower Mall at binago ang format.

Araw-araw na lamang na namigay si Willie ng financial help sa mga kababayan nating tinatawagan niya sa cellphone, na tinularan ng ibang mga programa sa telebisyon.

Matatagalan pa bago tumanggap ng audience sa studio ng Wowowin, pero ipinangako ni Willie na magpapatuloy ang paghahatid niya ng tulong at ligaya sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on visiting GMA Studio 6 for the first time after seven months: Pagpasok ko, bakante ang studio, bakante lahat. Tahimik. Yung mga ilaw, walang kinang. Yung LED, walang ilaw. Yung mga speaker, walang tunog. Yung mikropono ko doon, wala."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results