Isabel Rivas, ipinamigay ng tunay na ina noong sanggol pa lang siya

by Jojo Gabinete
Nov 5, 2020
Isabel Rivas: "Kaya ako matibay, matapang, may paninindigan. Nagsumikap ako kasi nakita at naramdaman ko kung gaano kahirap ang ipamigay ng magulang."
PHOTO/S: Instagram

Lingid sa kaalaman ng publiko, malungkot ang childhood ng aktres na si Isabel Rivas.

Pagkasilang pa lamang sa kanya, ibinigay na siya ng kanyang biological mother sa kapatid nitong walang anak.

Kapatid ni Isabel—Isabel Yap Gumabao sa tunay na buhay—ang aktor na si Dennis Roldan (Mitchell Gumabao), na ama ng mga aktor ding sina Marco at Paolo Gumabao at ng beauty queen at former volleyball player na si Michele Gumabao.

Pero ang apelyido ng kanilang spinster aunt na Yap ang ginamit ni Isabel dahil legally adopted siya.

Lahad ng 62-year-old actress sa Cabinet Files, "Apat kaming magkakapatid na tunay sa ina, namatay na yung isa. At yung isa, nasa Amerika.

"Gumabao din ang apelyido ko kaya lang inampon kasi ako ng kapatid ng mommy ko, matandang dalaga, at ito ang reason kaya lumaki ako sa Zambales.

"Mahabang teleserye ang kuwento ng buhay ko, pero tapos na ang sama ng loob ko dahil na-realize kong ganito ako ngayon dahil sa mga nangyari sa akin noon.

Continue reading below ↓

"Kaya ako matibay, matapang, may paninindigan.

"Nagsumikap ako kasi nakita at naramdaman ko kung gaano kahirap ang ipamigay ng magulang."

Some of the movies of Isabel Rivas

PAMPALUBAG-LOOB

Pwedeng-pwedeng isadula ng drama anthology na Magpakailanman o Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng buhay ni Isabel dahil bukod sa mga eksenang madadrama, kapupulutan ng aral ang mga karanasan niya.

Continue reading below ↓

"Nung ipinagbubuntis daw ako ng biological mother ko, meron siyang tusperina, yung ubo siya nang ubo.

"Hirap na hirap daw siya. She was always sick noong buong pregnancy niya sa akin.

"At saka pambayad kasi ako. I was a pampalubag-loob sa mga kapatid niya because she was married before.

"My mother was married but her husband died kaya meron kaming half-sister sa kanya.

"And then, nakilala niya ang papa naming pagkaguwapo-guwapo dahil Greek-blooded.

"Pampalubag-loob ako dahil tulong nang tulong sa nanay ko ang mga kapatid niya.

"Nang ipinanganak ako, ako yung pampalubag-loob dahil anak siya nang anak. Ayaw na siyang tulungan ng mga kapatid niya.

"Ang sabi ng kapatid niya, ‘Ito na lang ang tulong na gagawin ko sa 'yo. Kapag babae ‘yang nasa tiyan mo, ibigay mo sa akin, palalakihin ko.'

"So, walang choice ang biological mother ko. Two days old ako nang ibigay ako ng mommy ko sa kapatid niya. I was legally adopted, hindi yung basta inampon lang.

Continue reading below ↓

"Lumaki ako sa gatas ng kalabaw dahil walang gatas yung nanay ko na nag-ampon sa akin.

"Yung pagmamahal ko sa kanya, parang sa tunay na nanay.

"Pero, siyempre, bago siya namatay [at the age of 72], nandoon yung time na nagrerebelde ako."

TWO MOTHERS

"Mama" ang tawag ni Isabel sa kanyang adoptive mother. Pero mula pagkabata, alam niyang ampon siya dahil madalas ang pagkikita nila noon ng kanyang biological mother.

Saad niya, "All my life, alam ko na siya ang tunay na nanay ko dahil pumupunta siya at saka ang mga kapatid ko sa Zambales kapag holiday, Christmas season, summer vacation.

"Alam ko na kapatid ko sila, alam ko na mommy ko siya.

"'Mommy' ang tawag ko sa kanya at 'Mama' ang tawag ko sa adoptive mother ko."

Pagbabalik-tanaw pa ni Isabel, "Tuwing hapon, nagbibisikleta ako dahil malapit lang ang dagat sa amin.

"Pumupunta ako sa dagat, kinakausap ko yung mga kapatid ko sa dulo ng dagat dahil naniniwala ako na nandoon sila sa dulo.

Continue reading below ↓

"May mga eksena pang nasa likod ako ng pintuan... ang ilaw lang namin noon, gasera, dahil probinsiya kami. Wala pa kaming kuryente noon.

"Kinakausap ko ang biological mother ko sa likod ng pintuan. Bumubulong ako, nagmamakaawa ako sa kanya. 'Kunin mo na ako, kunin mo na ako.'

"Ang sagot niya sa akin, ‘Hindi na kita pwedeng kunin kasi hindi na kita anak.'"

"YOU'RE THE UGLIEST OF THEM ALL"

Nang magkaroon ng pagkakataon si Isabel, diretsahan niyang tinanong ang kanyang tunay na ina kung bakit, sa apat na anak, siya ang ipinamigay.

"Bakit ako? Bakit ako ang ipinamigay niyo? Bakit hindi sila?" patuloy na pagkukuwento ni Isabel tungkol sa kanyang mga dilemma noong bata pa siya.

"Masakit ang mga sagot. Ang sagot ng nanay ko, ‘You’re the ugliest of them all.’

“Siguro, nine years old na ako nang sabihin niya sa akin ‘yon. Markang-marka sa akin ‘yon, sobra.

“Napakagaganda kasi ng mga kapatid ko. Yung sister ko, kamukha ni Sophia Loren. Papasok na siya ng Miss Philippines contest, biglang nag-asawa. She was very beautiful.

Continue reading below ↓

“Tingnan mo na lang si Dennis. Kung si Richard Gere siya, yung isa naming kapatid na lalake, parang Charles Bronson."

Si Dennis ay kasalukuyang nakakulong sa Bilibid Prison matapos mahatulan ng guilty at patawan ng life imprisonment dahil sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Isabel Rivas and brother Dennis Roldan

Continue reading below ↓

Ayon kay Isabel, "Noon, hindi ko naikukuwento ang buhay ko na hindi ako umiiyak.

"Pero ngayon, nagpapasalamat ako dahil kung hindi naging ganoon ang buhay ko, baka dito ako sa Maynila lumaki. Baka hindi ako ganito."

FORGIVING HER MOTHER

Sumakabilang-buhay ang biological mother ni Isabel noong 2009.

Bago ito pumanaw, nabigyan sila ng pagkakataong mag-usap at magkapatawaran.

Pagbabalik-tanaw ni Isabel, “Nung lumuhod sa harap ko ang mother ko, naiyak ako. Umiyak ako.

"I used to talk about my adoption like it’s the wound na nagpatibay sa akin.

"Pero bago siya namatay noong 2009, lumuhod siya sa akin, humingi siya ng tawad sa akin.

"Hindi raw niya akalain na ganoon ang magiging epekto ng mga nangyari sa akin.

"There was a time na nagrebelde ako, teenager years ko.

"Pero nung mabuntis naman ako, hindi niya ako pinabayaan. Doon pa lang, na-restore na ang relationship namin, pero hindi fully."

Isa lang ang anak ni Isabel, si Richard Chua, asawa ng aktres na si Nadine Samonte.

Continue reading below ↓

Isabel Rivas with son Richard, daughter-in-law Nadine Samonte, and apos

Patuloy ni Isabel, "Tuwing mag-uusap kami noon, pinagtatawanan pa niya yung, 'Bakit mo sinasabi na ako ang pinakapangit?' Tatawa siya.

"She didn’t know how to face the problem dahil yung mga ipinanganak noon, wala naman silang psychological help.

Continue reading below ↓

"Noong araw, wala. Ngayon lang tayo merong o 'Huwag mong sasabihin ‘yan, nakakasakit ‘yan.'

"War baby ang nanay ko, noong araw naman, wala silang alam sa ganyan."

Nagamot na raw ang sugat sa puso na nilikha ng ina nang ipinaampon niya si Isabel dahil napatawad na nila ang isa’t isa.

HER PAST MADE ISABEL WHAT SHE IS NOW

Napagtanto rin ni Isabel na ang malulungkot na karanasan noon ang nagpatibay ngayon sa pagkatao niya, sa tulong ng dasal at ng kanyang malaking pananampalataya sa Diyos.

"My adoptive Chinese aunts were very Godly, relihiyoso. We lived a block away from the Cathedral church kaya I grew up praying for every step I made.

"I made so many mistakes but held on to sanity in spite of the chaos in our family.

"Our saving grace is that we prayed for our dreams, and God brought me here where I am."

Sa mga hindi nakakaalam, sa kasalukuyan ay isang mahusay na negosyante si Isabel.

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, puwedeng-puwede na siyang mamuhay nang komportable pero mahal niya ang pag-arte kaya patuloy ang kanyang pagtanggap ng mga acting assignment.

Kabilang siya sa cast ng Kapuso afternoon drama series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit, kasama sina Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara.

Isabel Rivas (center) with Bilangin Ang Bituin Sa Langit co-stars (from left) Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Ina Feleo, and Yasser Marta

Continue reading below ↓

May balita ngang ang kanyang Paraiso Farm sa Zambales ang pinakamalaking supplier ng mga manok sa buong bansa.

“Dyusko, hindi po totoo ‘yan, I wish," sagot ni Isabel.

"Marami ang mas malalaki sa Paraiso Farm at hindi kami ang biggest. I will just say it’s a decent size."

Ayon kay Isabel, ang husay niya sa negosyo ay dahil sa pagtitipid at pagdarasal.

Aniya, "Ayokong isipin na magaling akong humawak ng pera.

"Siguro, marunong lang akong magtipid at marunong magdasal. Marunong akong humingi ng direksyon sa Diyos. Lahat ‘yon, hinihingi sa Diyos.

"Bakit ako nagkaroon ng farm? Kasi hiningi ko sa Kanya.

"Basta ang sabi ko sa Diyos, 'Lord, mawawalan na ako ng project, wala nang kumukuha sa akin. Bigyan Mo naman ako ng something para pagtanda ko, hindi naman ako nakatira sa ilalim ng bridge. Lord, maawa ka sa akin.'

"Iniluhod ko ‘yan ng dekada."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas: "Kaya ako matibay, matapang, may paninindigan. Nagsumikap ako kasi nakita at naramdaman ko kung gaano kahirap ang ipamigay ng magulang."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results