Isabel Rivas, nag-iiyak matapos mabasa ang kuwento ng malungkot niyang nakaraan

by Jojo Gabinete
Nov 5, 2020
Isabel Rivas on keeping secret that she already had a child when she entered showbiz: "Alam kong makisama sa press. Ang press ang nagtago para sa akin ng pagkakaroon ko ng anak. Kasi ganoon nga ako makisama."
PHOTO/S: Instagram

Humingi kami ng paumanhin kay Isabel Rivas dahil nalaman naming nag-iiyak siya sa lock-in taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit ng GMA-7.

Ito ay matapos niyang mabasa ang artikulong inilabas ng PEP.ph nitong Huwebes ng hapon, November 5, tungkol sa kanyang malungkot na nakaraan.

Sa artikulong isinulat namin ay isiniwalat ng 62 anyos na aktres na ipinamigay siya ng kanyang tunay na ina sa kapatid nitong walang anak noong sanggol pa lamang siya.

Mula October 22 hanggang November 13 ang lock-in taping ng cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa isang resort sa San Mateo, Rizal.

Nalaman ni Isabel ang paglabas ng artikulo ng PEP.ph dahil sa link na ipinadala ng kaibigan niya.

Pagkabasa niya sa artikulo ay halos naubos daw ang kanyang luha.

"Don’t be sorry. It’s my story, it’s my truth, my pains, and my past. It’s okay not to be okay with the past," sagot ni Isabel sa paghingi namin ng paumanhin dahil ibinalik ng artikulo ang malungkot na kabataan niya.

Continue reading below ↓

Kuwento pa niya, "Grabe, ipinadala ng isang friend ko [ang link ng article]. Umiyak ako, nahulas ang make-up ko sa pagbabalik-tanaw ng sakit, pait…

"Ang hirap bumalik sa set nang ganito ang nararamdaman. Parang sugat na bumuka.

"Pero I’m glad I’m done with the pains and experience. Napakalalim ng sugat.

"Ang buhay ay misteryoso. Na-miss ko lang ang kapatid ko," pagtukoy ni Isabel sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dennis Roldan.

"Sad ako kung saan siya nandoon. Dasal namin ay mabigyan pa ng isang pagkakataon ng Panginoon ang mahal kong si Dennis."

Nahatulan si Dennis ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa noong August 2014 dahil sa pagkakasangkot niya sa kidnapping case na nangyari noong 2005.

Si Dennis ang unang naging artista sa kanilang pamilya.

Bukod sa kanila ni Dennis, sumabak din sa showbiz ang mga pamangkin ni Isabel kay Dennis na sina Marco at Paolo Gumabao. Habang ang isa pang anak ni Dennis na si Michele Gumabao ay naging professional volleyball player at naging second runner-up sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2002.

Continue reading below ↓


Isabel (standing, second from eft) with son R-boy Chua and daughter-in-law Nadine Samonte (both seated, center and right); sister-in-law Loli Imperial-Gumabao (standing, extreme left), nephew Marco Gumabao (standing, extreme right), and nieces Michele (seated, left) and Katrina (standing, second from right).

Nabasa rin ni Isabel ang hindi magagandang komento ng netizens tungkol sa biological mother niyang nagpaampon sa kanya. Nasaktan daw siya dahil nagkapatawaran na sila bago binawian ng buhay ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

"Kawawa naman ang mommy ko, patay na, nasisisi pa. Pero ganoon talaga ang buhay.

"Naubos ko ang luha ko ngayon," mensahe sa amin ni Isabel.

Trivia: Ang 1979 movie na Kambal sa Uma ng Regal Films ang unang pelikula ni Isabel. Bida rito sina Rio Locsin at Al Tantay.


Nang mag-artista si Isabel ay may anak na siya—si Richard o R-boy Chua, na mister ngayon ng dating aktres na si Nadine Samonte.

Continue reading below ↓

Nagpasyang pumasok sa showbiz si Isabel dahil, ayon sa kanya, kailangan niya ng trabaho para mapakain si R-boy.

Lahad niya, "Kumatok ako sa bahay ni Joey Gosiengfiao at nag-apply bilang artista dahil may anak ako na kailangan kong pakainin.

"Sinabi ko lahat ang totoo. Umiiyak ako at nabagabag ang damdamin niya.

"Sabi ni Direk Joey, ‘Sige, pumunta ka sa ganitong date, titingnan ko kung maganda ka sa screen.'"

Si Joey Gosiengfiao ay dating resident director ng Regal Films. Pumanaw siya noong 2007.

Isabel Rivas in a magazine cover with former leading man Lito Lapid, now a senator

Continue reading below ↓

Pinaghandaan ni Isabel ang araw ng muling pagkikita nila ni Direk Joey. Nanghiram siya ng mga damit mula sa mga kaibigan dahil hindi sapat ang mga gamit niya noon.

Nang magpunta si Isabel sa araw at meeting place nila ni Joey, nagkataon namang hindi dumating ang aktres na kailangan sa eksena kaya siya ang ipinalit.

"Napilitan silang ako ang kunan. Unfortunately, the scene was in a bath tub. Papatayin ng daga ang kakambal ni Rio.

"Ayun, buong araw ako sa tub. Paulit-ulit ang take dahil yung daga, tumatalon sa tub kaya kulubot na ang balat ko. Hapon na nang matapos ang shooting!" natatawang kuwento ni Isabel.

Pareho silang "introducing" ng kanyang kapatid na si Dennis sa Kambal sa Uma.

Nagawa ni Isabel na ilihim sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak dahil sa kanyang mahusay na pakikisama sa mga miyembro ng entertainment press.

"Alam kong makisama sa press. Ang press ang nagtago para sa akin ng pagkakaroon ko ng anak. Kasi ganoon nga ako makisama.

Continue reading below ↓

"Bakit ba ako nag-artista? Dahil wala akong kapera-pera, may anak ako.

"Si Joey Gosiengfiao ang tumulong sa akin noong umpisang-umpisa. Pangalawa si Celso Ad. Castillo," pagbabalik-tanaw ni Isabel tungkol sa pagsisimula ng kanyang 41-year-old acting career.

Si Castillo ang direktor ni Isabel sa 1981 film na Uhaw Na Dagat, kung saan bida sila nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas on keeping secret that she already had a child when she entered showbiz: "Alam kong makisama sa press. Ang press ang nagtago para sa akin ng pagkakaroon ko ng anak. Kasi ganoon nga ako makisama."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results