Pops Fernandez at Derek Ramsay, nanawagan para sa conservation ng Agusan Marsh Wildlife Sanctuary

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2020
Pops Fernandez at Derek Ramsay, handang makatulong na pangangalagaan ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary. Paano nga ba nakakatulong ang peatlands o forest swamp na labanan ang climate change?
PHOTO/S: @popsfernandezofficial /@ramsayderek07 Instagram

Sina Pops Fernandez at Derek Ramsay ang mga local celebrity na nakikiisa at nagtataguyod sa pangangalaga ng peatlands sa ating bansa.

Kaisa sila sa kampanya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at PLDT-Smart na protektahan ang peatlands sa bansa.

Nagsanib-puwersa ang DENR at telco company para mapangalagaan ang Caimpugan peatland, na matatagpuan sa Agusan Marsh Wildlife Sanctuary, Agusan del Sur.

Three-year extendable project ang peatland conservation project na ito.

Ang Caimpugan peatland ang nag-iisa at nalalabing pinakamalawak na intact peatland o forest swamp sa Pilipinas.

POPS, DEREK LEARN MORE ABOUT PEATLANDS IN PH

Ang mga panganib na nakaamba sa mga peatland sa ating bansa ang dahilan kaya nanawagan sina Pops at Derek na makiisa ang lahat para protektahan ang natural na kalikasan.

Sabi ni Pops: "There was really a concern. I was not as serious about it a couple of years back, but now that I see change and all these things that are happening on earth—storms one after the other…

Continue reading below ↓

"I feel that it would be nice to be part of something like this, to help reach out and communicate.

"I think we should all get together and try to do something about it, just to be aware, just to have our fellow kababayans to be more aware about this serious problem.

"We do have to save our home, we have to be conscious enough on how to save earth."

Aminado naman si Derek na kulang pa ang kaalaman niya tungkol sa peatlands, pero gumagawa siya ng sariling research.

"I love mother earth. We should all love mother earth.

"Peatlands—not so many people know about it, so I felt like this is a great opportunity for me to help spread the word about peatland on social media.

"Get people to know what exactly peatlands are, how important they are and why should we be saving them."

Kaya mabilis daw napapayag si Derek nang yayain siya ni Chaye Cabal-Revilla, PLDT Group Chief Sustainability Officer, na maging ambassador para rito.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Derek: "I will do everything I can to help educate people about peatlands, and I wanna join you on that trip to go actually see them.

"I myself didn’t know much about it but I’m doing my research."


conserving PEATLANDS HELP FIGHT CLIMATE CHANGE

Tiyak na hindi sapat ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa peatlands.

Continue reading below ↓

Pero ipinaliwanag ito ng Hollywood actor na si Alec Baldwin sa AVP na ipinalabas sa event ng DENR at telco company, nitong Biyernes ng umaga, November 6.

"Peatlands are crucial to fight climate change. They are large open forest and swamps that could be found all over the world.

"They matter for the planet because they actually store twice as much carbon as all the world’s forest together while covering less than three percent of the land‘s surface.

"But peatlands are being degraded and lost in a dramatic phase to logging, drainage to agriculture, and burning."

Ang peatlands ay tirahan ng iba't ibang uri ng hayop, at pinagkukunan din ito ng supply ng forest products.

Kaya malaking kawalan kung ito ay mapabayaan.

Patuloy ni Alec sa AVP: "And when they are destroyed, they release massive amounts of greenhouse gases. And the unique, often endangered, plants and animals that they house are lost as well.

Continue reading below ↓

"Peatlands also matter for people because smoke released from peatland fires is toxic and has the worst impact in the most vulnerable groups—our children and the elderly.

"We must protect peatlands because peatlands matter."

PROTECTING AGUSAN MARSH WILDLIFE SANCTUARY

Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na mahalaga ang peatlands sa malinis na tubig na maiinom, at malaki ang naitutulong nito para mabawasan ang pagbaha.

"Peatlands are dubbed as 'one of the most valuable ecosystems on Earth,' according to the International Union for Conservation of Nature or IUCN.

"Because apart from all these uses, they also help mitigate climate change and global warming.

Tuwing huling linggo ng Nobyembre ang Climate Change Consciousness Week.

Kaya napapanahon ang programa ng DENR at ng nabanggit na telco company para sa pangangalaga sa Agusan Marsh Wildlife Sanctuary.

Lalo pa't kinilala ito ng ASEAN bilang Heritage Park at National Park ng pamahalaan ng Pilipinas.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez at Derek Ramsay, handang makatulong na pangangalagaan ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary. Paano nga ba nakakatulong ang peatlands o forest swamp na labanan ang climate change?
PHOTO/S: @popsfernandezofficial /@ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results