Lani Misalucha, pansamantalang pinalitan ni Pops Fernandez sa The Clash

by Jojo Gabinete
Nov 6, 2020
Pansamantalang hindi napapanood si Lani Misalucha (kaliwa) sa singing search ng GMA-7 na The Clash dahil sa karamdaman. To the rescue naman si Pops Fernandez (kanan) upang pansamantalang humalili sa kanya bilang hurado.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagpapagaling pa si Lani Misalucha kaya hindi pa siya nagre-report sa taping ng The Clash, pero maayos na ang kalagayan niya.

Halos isang buwan nang hindi napapanood si Lani sa singing competition ng GMA-7 mula nang ma-confine siya sa ospital.

Nami-miss na si Lani ng mga tagahanga niya, lalo na ang kanyang signature laugh sa tuwing nagbibitaw ng mga kasabihan si Ai-Ai delas Alas.

Si Pops Fernandez ang pansamantalang pumalit kay Lani bilang hurado, kasama sina Ai-Ai at Christian Bautista, sa The Clash.

Nagbubunyi ang hosts, judges, at production staff ng The Clash dahil sa mataas na ratings ng kanilang programa noong November 1, isang araw matapos kantahin ni Ai-Ai ang sariling version nito ng "Ice Cream."

Nag-trending sa social media ang cover version ni Ai-Ai ng Blackpink song noong Araw ng Mga Patay.

Sa gitna ng pananalasa ni Super Typhoon Rolly sa Batangas noong gabi ng November 1, nakakuha ang The Clash ng 22.5% ratings, ayon sa AGB Nielsen.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang mga host, judges, at production staff sa pataas nang pataas na rating ng kanilang programa kaya ipinararating nila sa televiewers ang taos-pusong pasasalamat at ang pangakong lalong pagagandahin ang bawat episode ng The Clash.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pansamantalang hindi napapanood si Lani Misalucha (kaliwa) sa singing search ng GMA-7 na The Clash dahil sa karamdaman. To the rescue naman si Pops Fernandez (kanan) upang pansamantalang humalili sa kanya bilang hurado.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results