Kaputol wagi sa best performance category ng Innuendo International Film Festival sa Italy

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2020
Nanalo ang Kaputol ng best performance sa 4th Innuendo International Film Festival na ginanap sa Milan, Italy. Tampok sa cast sina Alfred Vargas at Cheri Gil.
PHOTO/S: Screen Grab from Kaputol

Panalo ang cast ng Kaputol sa best performance category ng 4th Innuendo International Film Festival na ginanap sa Milan, Italy mula October 27 hanggang October 30, 2020.

Ang Kaputol, na may international title na Fragments, ang indie movie na pinagbibidahan nina Quezon City District V House Representative Alfred Vargas at Cherie Gil.

Si MacArthur Alejandre ang direktor, at ito ang unang indie movie niya. Hindi siya nakadalo sa Innuendo International Film Festival dahil sa coronavirus pandemic.

ABOUT THE AWARD

Ang winner ng best performance category ay nagtataglay ng "whole cast (main actor male, main actor female, and all other side actors)" na may "significant performance that pushes the film to a next level."

Ito ang paliwanag ng mga hurado ng international film festival tungkol sa desisyon nilang ipagkaloob ang natatanging parangal sa Kaputol.

Hindi inaasahan ni Alfred na mananalo ang pelikula na siya rin ang nag-produce kaya masayang-masaya ito sa magandang balita na natanggap niya ngayong umaga ng Sabado, November 7.

Continue reading below ↓

"Pleasant surprise ang award ng Innuendo Film Festival. Masarap sa pakiramdam na may award at masarap sa puso bilang isang artista.

"Passion project ang Kaputol, at ang creative process na pinagdaanan namin ay mahirap at masarap. Very enriching lalo na sa mga eksena namin ni Cherie."

Inilarawan ni Alfred ang pael na ginampanan nila ng premyadong aktres.

Aniya, "Dahil pareho kaming dual roles, at marami kaming mga eksena together, ang emotional range na kailangan ng bawat character namin ay demanding.

Challenging pero fulfilling."

Nagbigay-pugay rin ang actor-politician sa director at screenwriter ng pelikula.

Sa pagpapatuloy ni Alfred, "Iba talaga pag Ricky Lee script, nanghahamon sa kakayahan ng mga artista.

"This is my first international acting award, and I am glad to share with none other than Ms. Cherie Gil and the rest of the cast.

"I’m quite grateful to Direk Mac and Ricky Lee for this project.

"Lagi tayong nangangarap na makasama sa mahalagang pelikula na may role na hahamon sa ating pagiging artista, at yun ang Kaputol.

Continue reading below ↓

"Malaking blessing ang Kaputol, at thank you sa Innuendo Film Festival sa pagkilala sa aming performance,” ang sabi pa ni Alfred nang nakausap siya ng Cabinet Files sa pamamagitan ng telepono kanina.

"BAKA HINDI KUMITA IYAN"

Konsepto ni Alejandre ang kuwento ng Kaputol kaya nagpapasalamat siya kay Alfred dahil sumugal ito sa isang seryosong pelikula.

"Wala ang Kaputol kung wala si Alfred. Tatlong konsepto ang pinresent nko sa kanya. Dalawang komersiyal na konsepto at ang Kaputol.

"Masaya ako na pinili niya ang Kaputol pero nagulat rin ako. Sabi ko sa kanya baka hindi kumita iyan. Serious masyado ang Kaputol at may kabigatan ang tema.

"Ang sagot ni Alfred sa akin, ‘Maganda ang Kaputol, iyan ang gawin natin.’

"During the break, in one of our pre-prod meetings, lumapit siya sa akin dahil napansin niya siguro na medyo uptight ako prepping for the coming shoots.

"Sabi niya, ‘Direk, don’t think of things that may distract you. Just do a movie that will make you happy. Kapag happy ka, sigurado ko na lahat ng pagod natin will be worth it dahil maganda ang kalalabasan ng film.’

Continue reading below ↓

"Very supportive si Alfred bilang producer. Kapag naniwala siya sa iyo, tatayaan ka niya. Siya ang malaking dahilan kaya nagawa ang Kaputol.

Samantala, puring-puri ang direktor sa acting performance ng mga artista niya, lalo na ang dalawang bida.

Ang kuwento ni Direk Mac sa Cabinet Files na ipinadala sa Viber, "At masaya ako dahil ang husay ni Alfred sa pelikula. He was at his best in the movie.

"Mahirap ang roles nila ni Cherie bilang magkaibigan na aktor at direktor at bilang magkapatid sa pelikulang tinatapos nila.

"May electrifying energy sa performances nila. The confrontation and quiet scenes ay may enigma.

"At si Alfred, really impressive. His performance just tugs at your emotions lalo na sa mga pivotal na eksena."

Nagbahagi rin ang award-winning writer na si Ricky Lee tungkol sa kasaysayan ng Kaputol na hango sa short film na ginawa nila noon ni Alejandre.

"Kaputol was based on a short film na ginawa namin ni Mac nung 80's. May mga binago ako, at I expanded the script with Alfred Vargas and Cherie Gil in mind.

Continue reading below ↓

"Masaya ako at proud ako na nanalo ang mga performances sa film. Mahusay sina Alfred at Cherie at ang buong cast.

"Ang acting requirement in terms of range and scope sa main actors ay mahirap kasi doble ang characters na ginampanan nila, but Alfred and Cherie gave their characters flesh and soul. The entire cast did really well."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanalo ang Kaputol ng best performance sa 4th Innuendo International Film Festival na ginanap sa Milan, Italy. Tampok sa cast sina Alfred Vargas at Cheri Gil.
PHOTO/S: Screen Grab from Kaputol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results