Nina, eliminated sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2020
Ngayong araw, November 7, 2020, na-eliminate si Nina sa TV5 show na Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: Screen Grab from Masked Singer Pilipinas

Si Soul Siren Nina ang nagpaalam ngayong gabi, November 7, 2020, sa Masked Singer Pilipinas.

Siya ang nakatanggap ng pinakamababang boto mula sa Judge Detectives at Masked Universe.

Sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, at Kim Molina ang Judge Detectives ng Saturday night show ng TV5 at Viva Television.

At sa kabila ng mga clues—may brother na isa ring singer at nakasama si Mr. Private Eyes sa isang show—hindi nila nahulaan na si Nina ang nasa likod ng maskara ng bubuyog na gumamit ng pangalang Bee-Ni-Bee-Ni.

"Big Spender" ni Shirley Bassey ang kinanta ni Nina.

Sa mga hindi nakakaalam, pinakakanta ang mga guests sa show habang nakasuot ng mask. Huhulaan ng hurado kung sino ang masked singer base sa mga clues na ibibigay.

Ang kapatid na si King at ang kanyang pagiging back-up singer kay Randy Santiago, na kilala bilang Mr. Private Eyes sa noontime show nito noon, ang mga sagot sa clues na ibinigay ni Nina.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang dating Sessionista ng ASAP dahil nahirapan ang apat na hurado ng Masked Singer Pilipinas na mahulaan kung sino siya.

Si Sheryl Cruz ang hula nina Cristine at Matteo, si Rachel Alejandro ang hula ni Kim, samantalang consistent si Aga sa sagot nito na hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng maskara.

"Nakita niyo, puro kayo mali? Ako ang tama, hindi ko alam!” ang pabirong sumbat ni Aga sa mga kasamahan niyang hurado.

TRIVIA ABOUT Masked Singer Pilipinas

Sa mga hindi nakakaalam, malaki ang kinalaman ni Aga at ng kanyang misis na si Charlene Gonzalez sa pagkakaroon ng local version ng The Masked Singer.

Continue reading below ↓

Noong ginagawa ni Aga ang Philippine adaptation ng kanyang blockbuster movie na Miracle in Cell No. 7, nagkaroon sila ni Charlene ng pagkakataong makausap ang Viva Entertainment executives—ang mag-amang Boss Vic at Vincent del Rosario.

Sa kanilang kuwentuhan, nabanggit ng mag-asawa ang tungkol sa U.S. version ng King of Mask Singer, na nag-umpisa sa South Korea.

Gamit ang kanyang cellphone, ipinakita ni Charlene kina Boss Vic at Vincent ang video ng The Masked Singer.

The rest, as they say, is history.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, November 7, 2020, na-eliminate si Nina sa TV5 show na Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: Screen Grab from Masked Singer Pilipinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results