Vina Morales ibinuking kay Mariel Rodriguez na "ang daming girls" noon ni Robin Padilla

by Jojo Gabinete
Nov 8, 2020
Nagkaroon ng tapatan si Mariel Rodriguez, ang "Babe" ni Robin Padilla sa totoong buhay, at si Vina Morales, na "Babes" ni Robin sa Keysaysaya sitcom.
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram

Natupad na ang pangarap ni Mariel Rodriguez-Padilla na magharap sila ni Vina Morales, ang ex-girlfriend ng kanyang mister na si Robin Padilla.

Nangyari ang tapatan o face-off ng dalawa sa cooking vlog ni Mariel na mapapanood sa YouTube Channel nito simula ngayong gabi, November 8, 2020.

Ang pagluluto ng pinakbet gamit na sangkap ang bagoong na negosyo ni Vina ang siyang itinuro ni Vina kay Mariel.

Pero habang nagluluto, si Robin ang sentro ng kanilang kuwentuhan.

Nasaliksik nang husto ni Mariel ang love life ni Robin noong hindi pa sila ikinakasal, kaya alam niya ang isang-taon-at-kalahating on-and-off relationship ng kanyang asawa at ni Vina.

Pagtatapat ni Vina, "One-and-half-years na on-and-off kasi nga ang daming girls ni Robin. Sino bang kasabay ko?"

Nagkakabalikan raw sila ni Robin pero naghihiwalay rin tuwing may bagong pelikula ang action star, na madalas ma-link noon sa leading ladies nito.

First boyfriend ni Vina si Robin, at umusbong ang pag-iibigan nila habang ginagawa ang pelikulang Ang Utol Kong Hoodlum noong 1991, noong siya ay 16 pa lamang.

Continue reading below ↓

Si Robin din ang naging escort ni Vina noong nag-debut ito ng taong 1993.

Dugtong ni Vina, "Magulo talaga ang situation dahil, noong time namin, may nagbuntis."

Ibig sabihin ay may girlfriend pang iba si Robin na nabuntis nito nang mga panahong iyon.

Alam din ni Mariel ang kuwento na nagkaubusan noon ng bulaklak sa Baguio City dahil pinakyaw ang mga ito ni Robin para ibigay kay Vina.

Tuloy sabi ni Mariel kay Vina, “The way I see it parang totoo yung love sa iyo ni Robin noon.”

BABES VS BABE

Si Vina ang leading lady ni Robin sa Kesayasaya, ang Sunday musical sitcom ng Net25 na nag-umpisa noong September 27, 2020.

Babes ang pangalan ng karakter ni Vina sa Kesayasaya, at, out of curiosity, tinanong siya ni Mariel tungkol sa tawag sa kanya ni Robin noong magkarelasyon pa sila.

“Anong tawag sa iyo ni Robin before? Kasi kami Babe. Babe din ba?” ang mala-imbestigador na tanong ni Mariel.

Continue reading below ↓

"Babe…parang Babes,” ang hindi tiyak na sagot ni Vina.

"You know why? Di ba sa Kesayasaya, Babes yung tawag sa iyo? Minsan nalilito na siya [Robin], tatawagin niya ako na Babes.

"Sasabihin ko, Babe, ako yung walang S.

"Natatawa siya kasi nire-remind ko siya na ako yung Babe na walang S, si Vina ang Babe na may S,” ang pambubuko ni Mariel tungkol sa pagkalito ni Robin.

Sinabi ni Vina na magaan na magaan ang kanyang pakiramdam sa pakikipag-usap kay Mariel dahil naramdaman niya ang pagiging genuine ng asawa ni Robin.

Hindi rin daw niya naisip na darating ang araw na maghaharap at mag-uusap sila ni Mariel tungkol kay Robin.

Ang reaksiyon ni Mariel sa mga sinabi sa kanya ni Vina, "Hindi puwedeng hindi ka part ng life because you are very much a part of Robin’s life.

"And I made a vow that everyone that Robin loves, I will love also, and you are part of that so hindi puwedeng hindi ka kasama sa life namin."

Continue reading below ↓

May dawalang anak—Isabella at Gabriela—sina Robin at Mariel, na nagdiwang ng 10th anniversary nila as husband and wife.

Ang first wedding nila ay naganap noong August 19, 2010, sa harap ng Taj Mahal sa New Delhi, India.

Si Vina naman ay may isang anak sa ex-boyfriend na si Cedric Lee.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkaroon ng tapatan si Mariel Rodriguez, ang "Babe" ni Robin Padilla sa totoong buhay, at si Vina Morales, na "Babes" ni Robin sa Keysaysaya sitcom.
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results