Katrina Velarde "ang ganda-ganda" kahit naudlot ang kasal sa American fiance

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2020
Dapat sana ay July 2020 ang kasal ni Katrina Velarde at ng American fiance na si Mike Shapiro. Pero dahil sa pandemya, naudlot ito.
PHOTO/S: @katrinavelarde24 on Instagram

Ang coronavirus pandemic ang dahilan kaya hindi natuloy noong July 2020 ang balak na Christian wedding ng singer na si Katrina Velarde at ng kanyang fiancé na si Mike Shapiro.

Si Mike ay isang respected American musician na nakatrabaho ni Justin Timberlake, ng Black Eyed Peas, at ng late singer na si Natalie Cole.

Ang pagkakaudlot ng kasal nila ni Mike ang ipinagtapat ni Katrina sa exclusive Facebook live interview sa kanya ng Cabinet Files kahapon, November 8, 2020.

"Dapat ikakasal kami noong July kaso hindi muna namin itinuloy dahil sa pandemic. Kesa pilitin, huwag na lang," ang maikling paliwanag ni Katrina.

Nakilala ni Katrina si Mike dahil kaibigan ito ni Gary Valenciano. Si Mike ang drummer ni Gary sa mga U.S. tour nito, pero dati na siyang bumibisita sa Pilipinas sa tuwing may mga concert ang "What Do We Mean To Each Other" hitmaker na si Sergio Mendes at "Sunlight" singer na si Kevin Lettau.

Continue reading below ↓

Si Katrina naman ang madalas na guest ni Gary kapag may mga concert ito sa Amerika.

Nang magkaroon ng relasyon ang dalawa, naging madali kay Mike ang magpasya na manirahan nang permanente sa Pilipinas.

“Nandito na si Mike sa Pilipinas. For good na siya dito. Siyempre ang feeling ko, ang ganda-ganda ko," ang natatawang sabi ni Katrina.

"Yung puso niya kasi, malapit talaga sa Pilipinas kaya hindi nahirapan si Mike na mag-decide na dito na lang siya sa atin.

"Ayoko sa States, iba ang feeling kapag nandoon ako. Mas gusto ko talaga sa bansa natin kaya sabi ko sa kanya, dito na lang siya sa Pilipinas.

"Hindi naman siya nahirapan na mag-adjust dahil marami siyang kaibigan dito."

KATRINA: THE SAMPAGUITA GIRL WHO MADE GOOD

Napakapalad ni Katrina dahil nagawa nitong maiahon mula sa kahirapan ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng talento niya sa pagkanta.

Anim na taon si Katrina nang magsimula ang pagsali niya sa mga amateur singing contests na malaking tulong sa kabuhayan ng kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

"Parang bigyan lang ako noon ng limang piso, okey na. Yung feeling ng bata na natuwa dahil yung childhood experience ko, living in Tondo, sa squatters' area.

"Nakatira kami sa bahay na ang ilalim ay creek na mabaho. Nagtutuhog lang kami ng sampaguita kaya nang maranasan ko na manalo sa unang sali ko sa amateur contest, ang saya dahil may pera na akong ibibigay kay Mama. Hindi na kami magtutuhog ng sampaguita,” ang pagbabalik-alaala ni Katrina sa nakaraan.

Pero ni minsan, hindi raw naging isyu sa kanya ang mahirap na pamumuhay dahil masaya naman ang kanilang pamilya.

"Hindi nagkulang sa amin ang mga magulang namin. Nakikita ko naman na yung nanay ko, hindi naman siya nagkulang sa pag-aalaga sa amin.

“Ang nanay ko, housewife, ang tatay ko karpintero 'tapos kaming mga anak nila, nagtutuhog ng sampaguita.”

Matagal nang umalis sa Tondo ang pamilya ni Katrina dahil nagrerenta ito ngayon ng bahay na pansamantalang tinutuluyan ng kanyang ina habang hinihintay nila na matapos ang construction ng bahay na binili niya.

Continue reading below ↓

“I can’t ask for more. Kahit even before nung magkakilala kami ni Mike, talagang kuntento na ako. I can’t ask for more."

TURNING DOWN ELLEN DEGENERES GUESTING

Taong 2016 nang medyo nag-lie low ang Suklay Diva.

May mga naghikayat sa kanya na mag-join ng singing contests abroad, and naimbitahan din siyang mag-guest sa The Ellen DeGeneres Show, pero umayaw siya dahil nagkaroon siya ng Bell's Palsy, na temporary paralysis ng muscles sa mukha."

Bukod dito, nagsilang siya ng baby bo.

Ang kuwento ni Katrina, "Medyo weird ako sa career. Kung yung iba, e, parang super nagga-grab ng lahat ng opportunity, hindi ko niri-risk yung pagiging comfortable ko at yung happiness ko.

"That’s why nagte-turn down ako ng ibang offers. like yung guesting ko noon sa show ni Ellen DeGeneres.

"Ang daming na-disappoint sa akin.

"That time kasi, baby pa si Kendrick, ayoko siyang iwan. Ayoko muna dahil nagpapadede ako. Na-pre-interview na ako and then I realized this is not what I want to do.

Continue reading below ↓

"Wala siya sa puso ko. Ayokong gumawa ng mga project na parang hindi maluwag sa damdamin ko,” ang walang panghihinayang na pahayag ni Katrina.

Si Kendrick ang four-year-old son ni Katrina sa isang dating karelasyon, pero itinuturing ni Mike ang bata na tunay na anak.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dapat sana ay July 2020 ang kasal ni Katrina Velarde at ng American fiance na si Mike Shapiro. Pero dahil sa pandemya, naudlot ito.
PHOTO/S: @katrinavelarde24 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results