The burn hole in swimsuit of Miss Universe Philippines 2020 candidate Ericka Evangelista

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2020
Kahanga-hanga ang rampa ni Ericka Evangelista sa Miss Universe Philippines 2020 pageant. Pero alam niyo bang sunog ang swimsuit na suot niya?
PHOTO/S: @erickaevangelista on Instagram

Isang kandidata ng Miss Universe Philippines 2020 ang nakaranas ng "series of unfortunate events" before and during the pageant.

Siya ay si Ericka Evangelista.

Naging maingay ang staging this year dahil sa mga isyu na kinasangkutan nina Rabiya Mateo, Sandra Lemonon, at Michele Gumabao.

Nabigyan rin ng spotlight si Miss Manila Alexandra Abdon, dahil sa kanyang nakakaaliw na personality, at si Miss Batanes Jan Alexis Elcano, na nakarating sa Baguio, ang venue ng pageant activities, lulan ng isang cargo ship.

Ang mga kuwento ni Ericka ay walang bahid ng kontrobersiya o drama.

"It’s a series of bad timing, my whole Miss Universe Philippines journey. It’s a series of a lot of unfortunate incidents," ang natatawang pahayag ng 25-year-old beauty queen sa panayam sa kanya ng Cabinet Files via Facebook Live.

UNFORTUNATE EVENT #1: BINAKBAK ANG KALSADA

Nangyari ito during her preparations for the pageant.

Binakbak ang kalsada sa harap ng bahay nila, at hindi niya nailabas ang kanyang sasakyan, na kailangang-kailangan ngayong pandemya para magawa ang mga errands niya.

Continue reading below ↓

Ang kuwento ng Rizal representative, "A week before I left for Miss Universe Philippines, binakbak ang kalsada sa tapat mismo ng bahay namin sa Cainta, so I didn’t’ have a car.

"I couldn’t move, I couldn’t get my gown. I couldn’t even go around to get yung mga kailangan kong bilhin.

"I had to make makaawa to everybody to drive me around kasi yung car namin, naiwan talaga sa loob. That was one."

Continue reading below ↓

UNFORTUNATE EVENT #2: NAULANAN ANG BEAUTY

Ang pangalawang memorable experience sa pageant journey ni Ericka ay nangyari noong shoot para sa kanyang National Costume.

"Dream gown" raw niya ang kanyang national costume, na inspired by "Regina Reica, the biggest Mama Mary in Southeast Asia found in Tanay Rizal."

Siya mismo ang nagdisenyo nito, with some inputs from her mom Lorenza.

 Ericka Evangelista national costume

Continue reading below ↓

Tampok sa handpainted gown ang art ng mga Angono artists na sina Vincent Padilla (L) at Orville Tiamson; pati na rin si Lyra Lacanaria (R) at ang 14-year-old na si Julia Baluyut (2nd from R).

Ang handcrafted crown niya na yari sa copper wires at pearls ay likha ng kaibigan niyang si Aaron James.

Ericka Evangelista national costume

Continue reading below ↓

Ang siste, noong nangyari pala ang shoot na ito ay umulan kaya nabasa ang beauty ni Ericka.

Pagkukuwento niya sa unfortunate events sa kanyang journey, "The second was when I was shooting my National Costume sa Baguio City.

"I got rained on three times so I had to put my make-up on three times just so I would shoot until yung last...Hindi na talaga tumigil ang ulan."

Continue reading below ↓

UNFORTUNATE EVENT #3: NABASA AT NASUNOG ANG SWIMSUIT

Nakakatawa ang kuwento niyang ito, pero dito naipamalas ni Ericka ang kanyang grace under pressure.

Starring sa kuwentong ito ang roommate niyang si Miss Romblon Marie Fee Tajaran o Sasha.

"Grabe!" ang bulalas ng dalaga, saka nito dire-diretsong ikinuwento ang nangyari.

"I was doing my hair and make-up, kausap ko yung hair and make-up artist ko sa video call, just to check kung tama na yung mga ginawa ko.

Continue reading below ↓

"And then my roommate Sasha came over. Sabi niya, 'Ericka, naiihi na ako.’

"E, yung make-up set up ko, nasa comfort room, nakakahiya naman kapag umihi siya na bukas yung videocam, so I was taking it out.

"Yung bikini na gagamitin ko for the swimsuit competition, naka-hang sa upuan ko. Pagpatay ko ng video cam, nahulog yung bikini, dumiretso siya sa toilet bowl!

"Ganoon kalala! 'Tapos ako, 'Oh my god!'

"Pinulot siya ni Sasha, nilabhan muna namin sa faucet. Nataranta na ako, nag-blower-blower na ako ng buhok.

"Noong nakita ni Sasha na hindi pa maayos ang buhok ko, sabi niya, ‘Sige tapusin mo na ang hair mo. I will blow dry it [bikini]. I will help you out!’"

Dahil pasimula na noon ang preliminary competition, nagsimula nang kabahan ang mag-roommate. At dahil sa kaba, may isa pang hindi inaasahang nangyari sa kanyang swimsuit.

Sa pagpapatuloy ni Ericka, "Nagpa-panic na kami. Dalawang blower na yung ginamit ni Sasha para matuyo yung bikini na gagamitin ko.

Continue reading below ↓

"Unfortunately, mainit yata yung blower, nasunog yung bikini! Lalo kaming nag-panic!

"She tried calling everyone, like the stylist, dahil nag-freeze na talaga ako. 'Oh my God, what’s happening?' Kasi pababa na talaga kami para sa preliminary competition."

Ang ending: sinuot niya pa rin ang swimuit.

"It was very unfortunate na walang extra swimsuit, so I had to wear the bikini. Nag-isip kami na manghiram ako ng bikini sa batch two pero very unhygienic naman.

"Nag-offer din si Sasha na gamitin ko ang swimsuit niya kaso nasuot na rin niya. Sabi ko, 'No it’s totally fine, okey lang.'

"We figured out, itupi na lang ang side ng bikini dahil hindi mahahalata yung damage. So when I walked down the runway, nakatupi na siya pero I was really panicking.

"Nawala yung groove ko."

In fact, hindi raw siya kabado bago ng prelims—but life is indeed full of surprises.

"I was really prepared nung araw na iyon. Nakapag-push ups pa ako, nakapag-sit ups pa ako dahil medyo mahaba ang prep time. Sobrang prepared na prepared ako, 'tapos I was so shaken when that happened…”

Continue reading below ↓

Hindi pinalad si Ericka na manalo sa kanyang unang pagsali sa isang national beauty pageant, pero hindi siya nagsisisi dahil sa mga aral na natutunan niya.

At kung meron sigurong Miss Grace Under Pressure award, may laban ang kandidata ng Rizal.

After the pageant, back to work si Ericka, na isang fashion designer ng wedding gowns.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahanga-hanga ang rampa ni Ericka Evangelista sa Miss Universe Philippines 2020 pageant. Pero alam niyo bang sunog ang swimsuit na suot niya?
PHOTO/S: @erickaevangelista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results