Hindi naging masuwerte si Miss Manila Alexandra Abdon nang sumali siya sa Miss Universe Philippines 2020 noong October 25.
Pero ito ang naging daan para makilala siya ng publiko dahil sa kanyang prangkang pananalita at kikay na personalidad.
Nag-viral ang mga interbyu kay Alexandra at ito ang naging instrumento kaya inimbitahan siyang judge sa November 11 edition ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.
Hindi man pinalad sa beauty pageant na sinalihan, nakuha naman ni Alexandra ang jackpot price na P50,000 sa "Bawal Judgmental."
Tama ang lahat ng kanyang mga sagot sa dalawang katanungan ni Vic Sotto—kung sino sa choices ang gumastos ng P100,000 sa online shopping at sino sa kanila ang nag-donate ng mga pinamili mula sa online shopping.
Nag-trending ang guesting ni Alexandra sa "Bawal Judgmental" dahil may mga natuwa sa kanya pero may mga bumatikos sa paulit-ulit na pagsasalita niya.
May tumawag sa kanyang “Squammy,” at may nagsabi ring alam na ang dahilan kaya hindi siya nanalo sa Miss Universe Philippines 2020.
Si Alexandra ang pangatlo sa mga hurado sa "Bawal Judgmental" na nakakuha ng perfect store.
Nauna ang basketball player na si Arwind Santos na nanalo noong July 4, 2020, at pumangalawa si Gabby Concepcion na nagwagi noong October 17, 2020.
sa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika