Myrtle Sarrosa, mahal pa rin ba ng fans walong taon mula manalo siya sa PBB?

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2020
PBB Teen Edition 4 Big Winner Myrtle Sarossa, excited sa kanyang unang virtual concert na Still Love Me. "Akala ko nagbibiro lamang ang lahat, tapos biglang sinabi niya, 'Tuloy na pala yung concert, pirma ka na ng kontrata.'"
PHOTO/S: @myrtlegail Instagram

Tuloy na tuloy ang online concert ni Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Grand winner Myrtle Sarrosa sa November 28, 8:00 p.m.,

Hindi pa rin makapaniwala si Myrtle na magkakaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na solo concert, na may titulong Still Love Me.

Si Atty. Ferdinando Topacio ng Borracho Films ang producer ng Still Love Me.

Noong una, inakala ni Myrtle na biruan lamang ang pinaplano na major concert niya.

"Akala ko nagbibiro lamang ang lahat, tapos biglang sinabi niya, 'Tuloy na pala yung concert, pirma ka na ng kontrata.'

"Nagugulat na lang ako, hindi pa ako makapaniwala during that time na pumipirma na ako ng kontrata for a concert kaya I’m just grateful," pahayag ni Myrtle sa presscon ng Still Love Me.

Walong taon na ang nakalilipas buhat nang magsimula ang showbiz career ni Myrtle.

Naniniwala siyang hindi pinalalampas ang magagandang oportunidad na minsan lamang dumarating at hindi dapat sinasayang ang tiwala na ibinibigay ng ibang mga tao.

Continue reading below ↓

"When someone believes in me, I don’t want to let them down. Ayokong sayangin yung tiwala na ibinibigay nila sa akin," saad ng dalaga.

May soft spot sa puso ni Myrtle ang Still Love Me dahil ito ang pamagat ng isang kanta niya na ni-release noong 2016.

Ang Still Love Me ang napili na title ng kanyang virtual major concert sa November 28 dahil sa dami ng mga pinagdaanan niyang karanasan, gustong malaman ni Myrtle kung mahal pa rin siya ng fans at followers niya.

"PBB has been eight years ago. There’s so many changes since I started in the industry.

"I was hosting for Hero TV when I was just 15 yearsold, singing Japanese covers, and then going to now, ang dami ko nang experiences as an actress, as a cosplayer, as a singer, as a writer, so there’s so many changes and transformations."

Dating Kapamilya star si Myrtle at napabilang sa mga teleseryeng La Luna Sangre at The Good Son.

Continue reading below ↓

Huli siyang napanood sa pelikulang Block Z, na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto noong January 2020.

Lumipat si Myrtle sa GMA-7 noong February 2020.

Bahagi siya ng roster of stars ng GMA Artists Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Teen Edition 4 Big Winner Myrtle Sarossa, excited sa kanyang unang virtual concert na Still Love Me. "Akala ko nagbibiro lamang ang lahat, tapos biglang sinabi niya, 'Tuloy na pala yung concert, pirma ka na ng kontrata.'"
PHOTO/S: @myrtlegail Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results